Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tatay Marjon pinagpalit ng kanyang asawang OFW sa Taiwan para sa isang gwapo


Ibinahagi ni Tatay Marjon ang kanyang malungkot na storya bilang isang contestant sa isang segment ng Wowowin (noong kasalukuyan ay Father’s Day). Tubong Bicol at nagtatrabaho bilang construction worker at sideline na pagtitinda ng meryenda sa tapat ng kanilang tahanan.


Ayon sa kanyang salaysay, isa siyang single dad sa apat na magkakapatid. Ipininagpalit siya ng kanyang asawa na nagtatrabaho sa Taiwan para sa isang gwapong lalake.
Tatay Marjon habang nagkukwento
Screenshot mula sa Wowowin sa Youtube
Noong tinanong siya kung nasaan ang asawa niya, ang sagot niya "Ayun, nakakita ng mas gwapo". "Noong una po kasi, nanlalabo na siya, dati kasi active siya magonline (komunikasyon), hanggang sa wala na, hindi na katulad dati"

“Tapos inamin na niya na may karelasyon na siya, sinama pa sa bahay, pero nagpaalam baka pwedeng isama dahil hihiramin daw yung bunso namin, pumayag po ako, para sa mga bata…” dagdag ni Tatay Marjon.
Naging emosyonal si Tatay Marjon
Screenshot mula sa Wowowin sa Youtube
Isang magiting na ama pa rin si tatay dahil tinangap niya kahit masakit ang kanyang naging karanasan at maging matatag para sa apat na anak.

"Masakit kasi nakakapanghinayang, almost 16yrs po kasi kaming nagsama, ng dahil sa pangarap namin". “Masaksit kasi nakakpanghinayan, sobrang nanghihinayang kahit hanggang ngayon”.

Ang mensahe ng kanyang panganay na anak na si Joana, "Pa, mahal na mahal kita kahit na makulit kami, kahit na ikaw na yung naging nanay namin, mahal na mahal kita, magtatapos ako ng pagaaral para syo.”
Panganay na anak ni Tatay Marjon
Screenshot mula sa Wowowin sa Youtube
“Alam mo huwag kang mawalan ng pagasa, ganun tlaga, pag mahina ka yung apat na anak mo hihina din, pakita mo sakanila kaya mo yan, ganun talaga ang buhay..” mensahe ni kuya Wil kay tatay Marjon.
Nagbibigay ng mensahe si Kuya Wil kay Tatay Marjon
Screenshot mula sa Wowowin sa Youtube
Bilang isang ama, gagawin ang lahat ni tatay Marjon para mapagtapos ng pagaaral ang apat na anak at nangakong hinding hindi bibitaw kahit mahirap maging isang nanay-tatay.

Nagpahiwatig ng matinding suporta ang mga netizen para kay tatay Marjon:

"Just want to give you a hug tatay, keep on moving, God is preparing you for your greatest blessings, Godbless"

""Salute to you kuya, napaka strong mo, fight fight lang kaya mo yan, God bless to you and to your family"

"Salute proud po ako sainyo"


Share:

1 comment:

  1. hi.. alam niyo po ba buong pangalan ni tatay marjon? baka sakali may facebook siya or yung panganay na anak. Gusto lang po namin tumulong. Salamat

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive