Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OFW sa Taiwan naglabas ng sama ng loob pagkatapos ma-scam ng online seller


Sa isang video na inupload ng isang OFW sa Taoyuan, Taiwan, pinakita niya na iba ang pinadalang sapatos doon sa usapan nila ng seller na kung saan nagbayad siya ng NT$1400 (P2,300) para sa isang sapatos na nagkakahalaga lang ng NT$200-NT$300.


Ayon sa uploader sa facebook na si Ann Brillo, nag order siya ng sapatos online sa facebook page na 'Couple's house'. Hindi umano nakakaintindi ng tagalog ang seller kaya sa wikang english ang komunikasyon.

Marami ng nabiktima ang Couple's house na page dahil marami na nag nagrereklamo base sa comment section ng page nila. Hindi rin actual picture o mismong item ang nakapost na binebenta nila.


Pinapayuhan amg mga OFW sa Taiwan na maging mapanuri sa mga bagay na bibilhin para hindi maloko o ma-scam. Ugaliin basahin ang reviews ng page o magbasa ng comment section. Kung nakakapagduda ang mga post ay ignore na lang ito at mas mabuting sa mga physical stores na lang bumili.

Panoorin ang video:
Video credits to Ann Brillo (Facebook)


Screenshot sa facebook page kung saan siya umorder online:

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive