Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Patay ang isang OFW sa Taiwan pagkatapos malunod sa Anping Beach sa Tainan


Patay ang isang OFW migrant worker sa Taiwan pagkatapos nitong malunod sa Anping Beach sa Tainan. Napagkaalaman na si Renz Rommuel Bravo (tubong Pangasinan) ay hindi na halos humihinga pagkatapos makita ng mga resuers.


Ayon sa mga report, ang mga grupo ng mga OFW ay nagpasyang magkaroon ng kaunting salu-salo malapit sa beach at nagpasyang lumangoy sa beach kinalaunan. 

Nasa anim (6) ang nalunod o tinangay ng malakas na alon ng tubig. Nangyari ito sa ganap na 05:25 ng hapon (Sep 1).


Nagdespatch ng rescue team ang Tainan fire department para sa rescue operation. Tatlo ang na reacue, dalawa ang sinugod sa emergency room at isa nga ang naiulat na namatay.

Ayon sa leader ng mga rescuers, nakita niya sa kanyang telescope na palayo ng palayo sa pampang ang anim hanggang sa naghudyat na ito ng rescue operation. 


Ayon naman sa fire department ng Tainan, sa unsafe part lumangoy ang mga OFW na kung saan may mga breakwaters at malalakas na alon ng tubig at habang nagtatagal nagiging whirlpool.

Napaglaalaman na ang grupo ng mga OFW ay nagtatrabaho para sa kumpanyang TYC Brother Industrial Co Ltd sa Annan District sa Tainan City. 

Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog Archive