Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Canada at Slovenia kailangan ng higit sa 2,000 Pinoy workers; sahod aabot ng P75,000


Ang Canada ay nangangailangan ng higit sa 2,000 kada taon na skill at semi-skilled na Pinoy workers ayon sa POEA, ulat ng GMA Network.


"There is already an agreement na it will be a government-to-government track at pine-prepare na po at pina-finalize na 'yung ating bilateral labor agreement. Then, we will be ready to start the deployment," sabi ni Bernard Olalia, administrator chief ng Philippine Overseas Employment Association (POEA).

Gayundin, ang Slovenia ay nangangailangan ng 2,000 hanggang 5,000 ma skilled at semi-skilled na mangagawa.


Ang suweldo ay maaaring umabot sa halagang $1,000 o P50,000 hanggang P75,000 bawat buwan depende sa karagdagang benefits at allowance.

Pinayuhan naman POEA ang mga interesadong aplikante na ihanda ang mga dokumento tulad ng pasaporte at mga training certificates habang ang kasunduan ay inaayos pa.

Sinabi rin ng POEA na mas malaki ang chance na mapili sa Canada at Slovenia king may sapat na working experience.


Share:

1 comment:

  1. Anong skill po ang kailangan, at ilang taon ang working experience

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive