Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DOLE nagbabala sa mga Pinoy na may balak magapply sa Yukon, Canada laban sa mga illegal recruiter


Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Filipino na naghahanap ng trabaho laban sa mga illegal recruiters na maaring samatalahin ang job offer na naiulat na kailangan ng 2,000  OFW na magtatrabaho sa Yukon, Canada.


Ito ay pagkatapos ng joint communique na nilagdaan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Deputy Minister Rani Pillai ng Department of Economic Development ng Yukon sa Canada na magpapadala ng 2,000 Filipino workers kada taon.

“The planned negotiations are supposed to address a number of areas, including arrangements to match Filipino workers with employment opportunities in Yukon’s labor market under the Yukon Nominee Program,” ayon sa isang statement ng POEA.


Under negotitions at pinaguusapan pa ng POEA at Yukon ang paraan kung paano at mga kailangan para magpadala ng workers doon. Inaayos ng mabuti para sa kaligtasan ng mga Filipino workers.

Pinayuhan din ng POEA ang publiko na i-verify ang anumang naiuulat na mga kahina-hinalang mga hiring sa pamamagitan ng mga platform sa social media.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive