Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mayor Isko at netizens nadismaya sa kawalang disiplina ng mga Pilipino


Ikinadismaya ni Manila Mayor Isko Moreno at mga netizens ang pagkawalang disiplina ng mga Pilipino. 


Sa isang post sa facebook ng Manila Mayor, makikitang nilagyan na nga ng harang para sa kaligtasan ng lahat ay pilit pa rin tumatawid ng ilan kahit mapanganib.


Nakasulat sa facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso:

"Mga kababayan nilagyan na po namin ng harang para sa inyong kaligtasan, nilinis namin po underpass para inyong madaanan Bakit po kailangan pa ninyong gawin ito, yan po ba ang gusto ninyo ipakita sa amin mga anak ninyo para tularan namin? Ayaw po ba natin ng katinuan at kaayusan? Muli po ako ay buong kababaan loob nakikiusap sa inyo tulungan nyo po kami na magkaroon ng kaayusan sa Maynila hindi ko po kaya magisa ito! Kailangan ko po ng pakikiisa ng lahat pls....🙏🙏🙏 paki share....ng mapanood nila ang kanilang mga sarili!"

"So happy to see madaming magandang pagbabago sa Maynila. But seeing this scene aww so sad. Discipline is the key madlang people and that starts from each and every one us.☝🏻🙏" sabi ni netizen El Aine.

"This is sad!!!!  Poor Isko, I feel sorry for you, no matter how you tried hard still these people have no care. Please don’t give up. God is always with you.🙏❤️" sabi naman ni netizen Ofelia Cruz


Panooring ang video courtesy of Mayor Isko Moreno Domagoso:
Share:

4 comments:

  1. Lagyan nalang ulit ng harang mayor medyo weak ang harang

    ReplyDelete
  2. MAY SOLUSYON PO ANG "SAVE AND HELP PROJECT" SA LAHAT NG INYONG PROBLEMA AT CONCERNS SA LOOB NG BANSA!

    SUBALIT ALAM DIN NG "SAVE AND HELP PROJECT" NA KAYA N'YONG AYUSIN ANG PROBLEMA SA INYONG SINASAKUPAN O SA BUONG BANSA.

    Walang sino man ang makakapagpatino sa buong bansa kung ito ay hindi sisiryososhin at itatama.

    Kung gusto nyong "TUMINO" O "UMAYOS" ang buong bansa?

    1. Unahin n'yong ugaliin ang manalangin sa Diyos.
    2. Unahin n'yong ayusin at pairalin ang Konstitusyon sa mabilisang pagkilos.
    3. Unahin n'yong ayusin ang pamamahala o Leadership.
    4. Unahin n'yong ayusin ang mga tao lalo na ang mahihirap atbp.

    Ang lahat ng yan ay nakapaloob o nakaprogram sa "Save and Help Project," at handang makipagtungan alang alang sa Diyos at sa dakilang bansang Pilipinas.

    ReplyDelete
  3. sna nga po mbgyan kming mga mhhrap

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive