Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tips sa AGENT SYSTEM sa pagaapply para makakuha ng trabaho papuntang Taiwan


Ang pagkuha ng agent sa pagaaply ng trabaho papuntang Taiwan ay ang sinasabing 'last resort' o last chance para makakuha ng sure na trabaho. Narito ang ilang tips ukol sa agent system:


1. Kung may relative o same work experience ka din naman sa work na aapplyan mo sa Taiwan, mas mabuting huwag ka na mag agent dahil mas malaki ang chance na matanggap ka dahil sa work experience mk, sabihin na natin 70% to 80% chance mo para mapili ng employer.

2. Tandaan na ang legit agent ay yung sasamahan ka sa loob ng opisina (ng recruitment agency) either direct na employers interview or straight to medical na meaning pasok ka na agad.


3. Walang dapat bayaran sa agent habang nagpaprocess pa (like medical, visa processing, PDOS), magbibigay lamang ng fee kapag nakapirma na ng contract or a day bago umalis ng bansa.

4. May mga agent na sasamahan ka lang para makapagline up sa mga interview, pero mung alam mo naman na qualified ka you can do it by yourself at makakatipid ka pa.

5. Tandaan na kung ang pagpasa mo sa interview mo sa employer ay nakasalalay sayo, hindi agent ang may gawa non kundi ikaw pa din mismo

6. Ang mga kumukuha lang ng agent ay ang mga kulang sa height requirement, over age, sobra sa weight requirement, walang work experience

7. Kaya kung ang agent ay nagbibigay ng qualifications, ibig sabihin na ang hinahanap niya din ay yung papasa para sure may kita siya dahil ang legit agent tutulungan ka ilakad, kumbaga backer mo siya sa loob ng legal recruiment agency.


8. Ang pagtulong ng agent ay may presyo na aabot ng Php3,000 hanggang Php10,000 depende sa dami ng aasikasuhin nito.

Remember: Ang mga nasabing tips na nakasukat ay tutulong sa mga naghahanap ng trabaho papuntang Taiwan, may agent man o wala.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive