Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bahay ng OFW DH na pinaghirapan sa loob ng 4 na taon, winasak ng lindol sa Mindanao


Isang bahay na itinayo mula sa apat na taong pagtatrabaho ng isang OFW na si Salvacion dela Fuente sa Saudi Arabia ay nawasak ng 6.6-magnitude na lindol sa Tulunan, Cotabato noong nakaraang lingo, ayon sa report ng Unang Balita.


Nagtrabaho si Slavacion bilang housemaid sa Saudi Arabia kung saan sinasahod niya sa loob ng apat na taon ay ginagamit sa pagtatayo ng kanyang bahay. Naging emosyonal si Salvacion ng makita ang nawasak na bahay.

Gayunman, nagpapasalamat siya dahil walang nasaktan sa kanyang pamilya, “Pero kahit ganito pa ang nangyari nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon na safe ang family ko,” sabi niya sa post.


Tingnan ang post ni Princess dela Fuente, hipag ni Salvacion:

"Noong October 16 ng gabie 1st time kung nakaranas ng ganong kalakas na Lindol (6.3) Kinaya ng Bahay namin pero my Damaged na !! Kahit araw-araw ang aftershock naka tayo parin ang Bahay.  Pero,

Ngayong araw October 29 ng umaga Lumindol na naman ng malakas (6.4? o 6.6) na Lindol, Sumuko na ang bahay namin 😢😭😭😭 Wasak na wasak !! Pero kahit ganito pa ang nangyari NAGPAPASALAMAT Parin ako sa PANGINOON na Safe  ang Family ko . Walang kahit isang nasaktan kahit na, na Stranded si mama at papa sa Loob nahirapang lumabas ng bahay 😢 Saktong my hinahanap silang dalawa sa kwarto ng lumindol 😢😢 Thanks God Ok sila 🙌🙏"


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive