Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga taong mahilig sa MANI, mababa ang tyansa na magkaroon ng heart attack


Ang pagkain ng walnuts, mga mani at iba pang uri ng tree nuts ay maaaring may kaugnayan sa pagbaba ng sakit sa puso at pagbaba ng komplikasyon dulot ng pagtigas ng arteries ayon sa Journal of the American College of Cardiology.


Mas maliit ang tyansa ng mga taong mahilig sa mani sa mga nasabing mga sakit kumpara sa mga hindi mahilig sa mani. Walnuts ang lumilitaw na pinakamainam sa mga pagpipiliang mani.

"After looking at individual nut consumption, eating walnuts one or more times per week was associated with a 19 percent lower risk of cardiovascular disease and 21 percent lower risk of coronary heart disease," sabi sa report.

Iba pang mga mani tulad ng tree nuts, almonds, cashews, chestnuts at pistachios ay tumutulong din magpababa ng risk sa heart disease ayos sa pagaaral. Ngunit kailangan pang mapatunayan ang cause-and-effect ng pagaaral.


"Our findings support recommendations of increasing the intake of a variety of nuts, as part of healthy dietary patterns, to reduce the risk of chronic disease in the general populations," ayon sa lead author na si Marta Guasch-Ferre, isang researcher sa Department of Nutrition sa Harvard T.H. Chan School of Public Health.

Share:

5 comments:

Popular Posts

Blog Archive