Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Dalawang frontliner, tineketan matapos mahuling magka-angkas sa motorsiklo


Hinuli at pinagmulta ng P5,000 ang magkapatid na sina Gerald Libiran at Mark Libiran sa isang checkpoint sa Valenzuela habang pauwi sa Sta. Maria, Bulacan dahil magka-angkas sa motorsiklo.


Kwento ni Gerald, galing ito sa duty bilang medical record aid sa Philippine Orthopedic Center at sinundo lamang ang nakababatang kapatid na isa ring health worker.

Dagdag pa niya, halos isang linggo nang hindi umuuwi ang kapatid  bunsod ng straight duty at wala silang ibang pagpipilian kung hindi sumakay sa motor pauwi.

"Alam namin na mahigpit na pinapatupad ang social distancing, pero wala po masasakyan ang kapatid ko mula National Children’s Hospital pauwi ng Bulacan. Kaya wala kaming choice kundi i-angkas at isinabay ko na siya sa aking motorsiklo", sambit ni Gerald.

Ang limang libong multa ay halos kalahati na sana ng buwanang sahod ni Gerald bilang health worker. Sabi naman ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ay gumagawa sila  ng paraan upang babaan ang multa sa mga mahuhuling may angkas sa motor.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive