Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Father Joy: Tatlo sa limang babaeng nabubuntis sa Taiwan ay nagiisa, walang ama ang bata


Sa isang online segment sa social media, sinabi ni father Joy Tajonera na tatlo sa limang babaeng buntis na humihingi ng tulong sa kanya sa Taiwan ay magisa lang o iniiwan sila ng ama ng bata.


Ang masaklap pa dito ay ang ilan na nakabuntis sa mga babae ay may pamilya sa Pilipinas o ang babae mismo ay may pamilya na. Lubos na naaawa si father Joy kapag ganito ang sitwasyon na kung saan ay 'complicated.'

Pinapayuhan ang lahat, lalo na ang mga babae na ugaliing magbackground check sa mga kasama dahil maraming naloloko sa mga matatamis na salita makuha lamang ang gusto. Magverify, magtanong at huwag pabigla bigla, dagdag ni father Joy.

Aniya, bago magbuntis ay dapat alam o may sapat na kaalaman kung ano ang mangyayari sa bata, sa trabaho, kung mabubuntis sa Taiwan.

Walang bayad o fee ang sino man na buntis ang hinihiling na mag break contract sa Taiwan dahil hindi ito kasali sa labor law ng Taiwan.


Kung sakaling may siningil na fee sa mga nabuntis at gustong umuwi ng Pilipinas ay maaring ipaalam sa MECO o labor dahil labag ito sa batas ng Taiwan.

Si father Joy Tajonera ay isang Filipino Catholic priest sa Taichung, Taiwan, siya ang nagtatag ng "Ugnayan" isang shelter para sa mga migrant workers sa bansa. Layunin nito na tulungan ang mga nangangailangan na kababayan. (Photo CNA)

Share:

2 comments:

  1. Why DEPED is pushing the start of this SY on August 24, 2020!? As I always thought about this from the previous weeks of lockdown.. I strongly agree to other parents/ guardians whose requesting to skip one year education of students because of dangerous pandemic that's still has no vaccine yet to ensure & to secure the health & life of my children. Hope DEPED will consider the concerns of parents! I will not risk the health safety of my children!

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive