Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OFW sa Hong Kong nagtangkang magsuicide dahil sa depresyon, nailigtas ng mga awtoridad


Isang 44-years old overseas Filipino worker (OFW) sa Sha Tin, Hong Kong ang nagtangkang tumalon sa isang building para magpakamatay, ayon sa ulat ng Hong Kong News.


Sa kabutihang palad, narescue ng mga pulis at firemen officers ang Pinay. Nagpadala ng negotiator at sa una ay pinapakalma muna at kung pwede itong lumapit para sa kanyang safety ngunit nagmatigas ito.

“At 5:33 am, there was a report made by the staff of the Prince of Wales hospital. A Filipino female was located at the canopy of the hospital,” ayon sa police spokesperson.

Nagoffer ng jacket ang negotiator dahil sa lamig, habang sinusuot ang jacket mabilisang bumaba ang mga firemen mula sa itaas niya para siya ay makuha at maidala sa ligtas na lugar.

"The case was classified as a suicide attempt. Why the Filipino was in a dangerous position is still under investigation," dagdag ng police spokeperson.


Maaring tumawag ang mga OFW sa Hong Konh sa Philippine Consulate General at 9155-4023, the Philippine Overseas Labor Office (POLO) at 5529-1880, or the POLO-Overseas Workers Welfare Administration at 6345-9324 kung kailangan ng tulong.

Maari ring tumawag sa 24-hour multi-lingual hotline at The Samaritan Befrienders Hong Kong 28960000.



Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive