Humihiling ng panalangin ang pamilya at mga kaibigan ng 26-anyos na doktor na si Carmina Fuentebella dahil tinamaan na rin iti ng coronavirus at kasalukuyang naka-intubate sa UST Hospital.
Isa lamang si Dr. Fuentebella sa mga frontliner na isinakripisyo ang sariling kaligtasan at buhay dahil sa tawag ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Sa isang Facebook post ay humiling si Rj Palad, nagpakilalang pinsan ni Dra. Carmina Fuentebella, ng dasal para rito, “If it is not too much to ask, kindly include my cousin in your prayers,” aniya.
“You are a blessing to everyone around you. Keep on fighting. The whole family and so many friends are praying for you,” dagdag pa niya.
Maging ang aktres na si Marian Rivera ay nag-repost ng panalangin para sa batang doktora sa kaniyang opisyal na Facebook page. “ 'Pagdasal po natin siya. At least just say, ‘Jesus please heal Dra. Carmina Fuentebella. We need her,'” saad sa post na orihinal na ibinahagi ni Dr. R. Mata.
In Gods the father name please heal this selfless doctor..and to all our frontliners my Gods grace protect you..amen
ReplyDeleteMay god heal you....may god give you a long life so that you can still help more sick people...
ReplyDelete