Home »
NEWS
» Binay, umapela sa DOLE at ipinagtanggol ang caregiver sa Taiwan na bumatikos kay Pres. Duterte
Binay, umapela sa DOLE at ipinagtanggol ang caregiver sa Taiwan na bumatikos kay Pres. Duterte
Umalma si Senator Nancy Binay sa pagpapa-deport ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang OFW sa Taiwan na nahaharap ngayon sa kasong cyberlibel.
Sa isang twitter post, pinaalalahanan ni Binay ang awtoridad sa responsibilidad nilang pangalagaan at protektahan ang mga OFWs na itinuturing ngayong "modern day hero" ng bansa. Ayon pa sa kanya, hindi raw dapat maging "makapili" ang mga ito at sa halip ay tulungan ang OFW sa kanyang kaso.
“Paalala lang po sa mga labor attaches na kayo ang
kanlungan at sandigan ng ating mga OFW. Wag maging Bagong Makapili sa harap ng mga bagong bayani,” tweet ni Binay.
Check the tweet below:
"Makapili" ang tawag sa mga grupo ng mga Pilipino na naging espiya ng Japanese Imperial Army noong World war II na may layong hulihin ang mga gerilyang lumalaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
Una ng kinilala ang OFW bilang si Elanel Egot Ordidor na caregiver ngayon sa Taiwan. Inakusahan ito ng DOLE ng cyber libel matapos siraan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya social media posts. Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Taiwan sa pagpapa-deport sa OFW.
Nancy Binay, pwede mo ba muna talukuyin kung bakit? So okay lang na bastusin ang Pangulo? Kung murahin din kaya namin tatay mo okay lang din ba?
ReplyDelete