Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Caregiver sa Taiwan ipapadeport ng DOLE dahil sa atake nito laban kay Pres Duterte


Isang Pinay caregiver sa Taiwan ang mapapauwi  ng wala sa oras ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) matapos mag-post sa social media ng mga pagbabatikos patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa statement na inilabas ni Labor Attache Fidel Macauyag,  kinilala ang Filipina worker bilang si Elanel Egot Ordidor na caregiver ngayon sa Yunlin County sa Taiwan.

Ayon  kay Macauyag , noong April 20, ay binisita nila si Odidor sa kanyang pinagtatrabahuhan upang ipaliwanag ang kanyang kakaharaping kaso dulot ng kanyang mga post at posibleng pagpapa-uwi  sa kanya  sa Pilipinas.

 Nangako naman ang caregiver na buburahin  na nya ang kanyang mga post kontra sa pangulo at hihingi ng paumanhin sa pamamagitan ng video na i-a-upload sa facebook.

Ngunit makalipas lamang ang ilang oras, may mga post muli sa Facebook account ng POLO Taichung na nagpapahayag ng suporta kay Ordidor. Ayon kay Macauyag ay gumagamit ng ibang accounts si Odidor at gumawa pa ito ng grupo upang siraan ang Pangulo.

Dahil dito, kinausap na ng  ahensya ang employer ni Odidor patungkol  sa kanyang deportation at paglabag sa Republic Act 10175 (Cyber Crime Act).
Share:

19 comments:

  1. Kya nga dapat mag ingat sa mga post lalo na sa ating pag uugali dapat erespeto natin ang nakakataas sa atin lalong lalo na ang pangulo opposition mn o administrasyon dapat respetuhin ang isat isa

    ReplyDelete
  2. Yan Ang dapat na parusa sa kanya walang modo sa ating mahal na Pangulo

    ReplyDelete
  3. ayan yung inaantay ko tapos after maubos mga ipon nia saka nia isipin ung mga binitawan niang salita s presidente at sa ating kapwa pinoy...akala mo lage wala k n kailangan s gobyerno.lesson yan sau

    ReplyDelete
  4. Karma..walang respeto sa pangulo

    ReplyDelete
  5. tuloy ang kaso,hqbolin din ang iba pa at kasuhan silang lahat

    ReplyDelete
  6. Gagawa kyo ng problema di nyo kya panindigan.kla nyo kasi biro biro lng ung mga sinasabi nyo..ngayon hihingi kyo ng tawad..dpat kasuhan yan pra ndi na gayahin ng iba..

    ReplyDelete
  7. Tama Lang Yan masampolan...

    ReplyDelete
  8. May isa p n mas malala p ang sinabi

    ReplyDelete
  9. Ito p si pas panaligan silipin dn dapat to kung makapagmura s pangulo ay wagas

    ReplyDelete
  10. mga wlang isip ginagawa na nga lahat ngnpresidente ang kaya nya. bakit ginusto ba ni president duterte na mg ka covid, pandemic yan isipin dapat nila hndi lang dito sa pinas ng karoon buong mundo, tas sisishin niya ang.presidente, kawawa nman hndi nman xa ng.pabaya, kaya dapat wag nman nila murahin hndi nya ginusto ang nangyayari, dapat nga tulungan nalang na mg dasal na mawala na ang covid instead na sisihin at murahin. god bless kay president duterte.

    ReplyDelete
  11. hehehehhee not bad....patay kang kupal ka...

    ReplyDelete
  12. Naging matalino lang ang pangulo natin kung hindi agad nagpatupad ang lockdown, siguro malala pa ang sitwasyon ngayun at sigurado hindi kakayanin ng gobyerno...binigay na ng gobyerno sa ilalim ng mahal na presidenti ang makakaya niya...para sa tao para hindi mamatay sa gutom,, the best ka for me tatay digong...

    ReplyDelete
  13. Buti nga sa knya kpal ng mukha mag ssalita ng ganun mali mali nman pronounce nya about guarantee nsa taiwan ka lng bbaeng bulate lakas ng loob mo..ngayon mag sisi ka na

    ReplyDelete
  14. Kahit burahin man nya nakadamage na sya kaya pauwiin at harapin ang kaso na nararapat sa kanya. Akala mo kung sino syang magmura sa ating pangulo. SAno ba ang kabutihang nagawa nya para sa ating bansa,di man lang nya nakita ang mga kabutihang nagawa ng ating pangulo para sa bayan kasama na ang mga kamag-anak nya.

    ReplyDelete
  15. Omg..sege mahal na pangulo gawin sng nararapT sa mga tsong ganyan..hambog di iniisip ang kapakanan ng lahat.nkatungtung sa kalabaw hambog na..Godbless Tatay Digong

    ReplyDelete
  16. Yan, ang yabang mo kasi! Para kang sino ka talaga mag salita sa post mo at sa Video! Paano na ang pamilya mo kabataan mo, baka hihingi ka pa relief goods sa mayor ng manila!

    ReplyDelete
  17. pwede nyo din po ba tulungan kapatid q sa taiwan mkauwi..? masyado po sya naabuso ng amo nya kttatrbho.. caretker po sya pro lht na po ng trbho s knya na inasa ng amo nya bukod sa pagbantay hamggang 5th floor po ang bahay.. naun po nagkasakit ang kapatid q nagkatubig sa bata.. kmi pa po pamilya nya ang hnihingian ng pera pra mapagamot sya.. dba po dpt sagot nla lht dhl sknla ngkasalit kpatid q.. unang ospital po cnpcpan ng tubig s baga kaltas sahod dw po gastos dun.. pglbs po ospital pnaglampaso agad ng sahig ilang bses kya naun po nhrpn nnmn ang kptid q lovkdown po dto smin qc wlang wla din po tlga kmi.. kelangan po nya tulong pra po makauwi nlng sya at sna po bayaran po sya ng amo nya.. pde po ba un??? Slmt po s sasagot..keepsafe

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive