Sa isang public address noong Huwebes (April 2) , nanawagan sa mga kapwa politoko si Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, na itigil muna ang away politika at sa halip ay magkaisa sa pagtugon sa health crisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Pakiusap ng alkalde na mamahinga muna mula sa pamumulitika at paghahanap ng butas sa kasalukuyang administrasyon.
"Hindi lahat ng salita ng kasalukuyang leader ay binibigyan natin ng halaga o ibang kahulugan," giit ni Moreno.
Ayon sa kanya ay wala naman raw maitutulong sa pagsugpo ng kumakalat na COVID-19 ang pagpuna sa mga maling salitang naihayag ng iba pang mga leader.
Mariing hinikayat ni Isko na ngayon ipakita ang sinumpaang pagmamahal sa bayan at mamamayan ng lahat ng politiko sa bansa.
"Saka na tayo magsingilan", dagdag pa niya.
No comments:
Post a Comment