Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga lalake sa Cavite na tumangap ng 6,500 na ayuda, bumili ng shabu at yung iba pinangsabong

Screenshot mula sa GMA News
Mga lalakeng nakatangap na 6,500 na ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno hinuli ng mga pulis pagkatapos gamitin pangsabong at panbili ng shabu.


Isang lalake sa Bacoor, Cavite ang hinuli ng mga pulis pagkatapos makitaan ng isang pakete ng pinaniniwalang shabu ayon sa ulat ng GMA News.

Ayon sa suspect na si Clark Navalta bumili daw ito para magkaroon daw ng lakas para sa trabaho niya bilang construction worker.

Sa Bacoor pa rin, huli ang grupo ng mga lalake na nagsasabong sa kalagitnaan ng lockdown. Dalawa dito ay nakatangap ng SAP, kinatay at linuto ang mga manok na panabong at pinakain sa presinto.

Dismayado at nanghihinayang ang Bacoor local government unit (LGU) dahil ginamit lang sa bisyo ang bigay ng gobyerno.

Babala ni Presidente Duterte na hindi na makakatangap ng SAP ang sinumang mahuling nagsusugal, ginagamit sa bisyo o pinambibili ng alak ang SAP.

Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog Archive