Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pagkawala ng panlasa at pang-amoy, maaaring sintomas ng COVID-19 ayon sa mga scientists


Ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa ang itinuturong pangunahing sintomas ng COVID-19 base sa isang pag-aaral ng mga datos na nakolekta sa pamamagitan ng isang symptom tracker app na binuo ng mga British scientist para makatulong sa pagsubaybay ng coronavirus pandemic.


Ayon sa mga datos na sinuri ng mga scientist, halos 60% ng mga pasyente na may COVID-19  ang naiulat na nawalan ng pang-amoy at panlasa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tim Spector, isang propesor na namumuno sa pag-aaral, na ang mga taong nawalan ng pang- amoy at panlasa ay may malaking posibilidad na mag-positibo sa COVID-19 ayon sa kanilang pag-iimbestiga at nararapat na mag self-isolate sa loob ng pitong araw upang maiwasan ang pag kalat ng sakit.

Ginamit ni Spector at ang kanyang team ang pagsusuri sa mahigit 400, 000 tao na nagpapahayag ng sintomas sa kanilang app at hindi pa nakapag-COVID-19 test. Napag-alaman nila na 13% sa mga ito ang posibleng positibo sa sakit.

Dagdag pa ni Spector, iminumungkahi ng kanilang datos na ilan sa mga 50,000 tao sa Britain ay maaaring hindi pa kumpirmadong impekted ng COVID-19.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive