1 frontliner patay, 6 sugatan sa aksidente sa Batangas
Isang frontliner mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ang namatay at anim naman ang sugatan nang maaksidente sa Batangas habang papunta sa Metro Manila upang tulungan sana ang mga nai-stranded na overseas Filipino workers (OFW), Martes (Mayo 26).
Ganap na 2:43 p.m. ng hapon nang mangyari ang naturang aksidente. Base sa ulat, isa sa mga gulong ng multipurpose van ng mga biktima ang sumabog habang bumabyahe sa STAR Tollway sa Ibaan, Batangas.
"Sa pitong mga tauhan ng PCG frontline personnel na sakay ng van, isa ang idineklarang dead on arrival sa Batangas Healthcare Specialists Medical Center bandang 03:29 p.m. Kinilala siya bilang si Apprentice Seaman (ASN) Cenen Epetito," sinabi ng PCG sa isang pahayag sa Facebook.
Sa anim na nasugatan, ang isa ay kinilala bilang si ASN Adrian AƱonuevo, na nagka minor hematoma at nananatiling nasa ilalim ng masinsinang pagsusuri ayon sa PCG. Samantala, ang iba pang mga biktima ay "conscious and coherent" nang dumating sa ospital.
No comments:
Post a Comment