Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

134 barangay officials na sangkot sa anomalya sa SAP kinasuhan na


Nasa 134 barangay officials na ang kinasuhan ng Prosecutor’s Office of the Department of Justice (DOJ) dahil umano sa kinasangkutang anomalya sa distribusyon ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Lunes (Mayo 25).


Base sa tala ng DILG, noong Mayo 20, nasa 42 pa lamang na opisyal ng baranggay ang kinasuhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng mga reklamo sa SAP.

“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” sabi ni Interior Secretary Eduardo AƱo sa isang pahayag.

Dagdag pa ni AƱo, siyam na kaso pa ang isasampa ng PNP-CIDG sa mga susunod na araw at minamadali na rin ang case build-up ng 86 pang mga kaso. Ayon sa kanya, 318 ang kabuuang bilang ng reklamo na natanggap ng PNP-CIDG patungkol sa SAP irregularities.

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si DILG spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa DOJ at Prosecutor General sa pag-uutos sa lahat ng provincial and city prosecutors na gawing prayoridad ang imbestigasyon sa mga opisyal na gumagawa ng anomalya sa pamamahagi ng SAP.
Share:

17 comments:

  1. No anomalies from my brgy nagkaisang nayon no doubt his doing his best and best of his knowledge to give people satisfied in terms of subsidy and many more i salute kap sonny dela cruz

    ReplyDelete
  2. My mga nakasuhan na pla,baket hindi pa ipakita sa PUBLIKO kung ano anong brgy. Yan, at sinong mga brgy.opisyals yan.

    ReplyDelete
  3. Gusto ko ireklamo ang anak ng chairman at asawa ng chairman dto s sampaloc manila barangay 493 kso dba bwal ung hahatihin ung SAP sa dalawang tao isa po ako PWD PERSON WITH DISAHILITIES bakit kailangan may kahati pa ako

    ReplyDelete
  4. Sbi ng anak ng chairman ako may valid id pero wlang ksama ung isa wlang valid id pero puro 4ps ung ksma at sk kaya gnwa sakin nlng dw kumapit para magkaroon sia

    ReplyDelete
  5. Gusto ko po magreklamo nagtx na po ako sa DILG AT SA DSWD jayson a galler po name ko

    ReplyDelete
  6. namimili naman ang mga taga DSWD na bibigyan gaya d2 sa constancia tugatog malabon tinignan lang ang inuupahan ko umalis agad d manlang nag tanong gayong solo parents ako, at ang sabi yung may mga negosyo na yun lang ang pinagkukunan makakatanggap pero wala din mga hindi patas na dapat yung makatanggap d nila binibigyan,, pangalawang ayuda na sana naman makatanggap na ako,

    ReplyDelete
  7. Isa po ako sa hndi pa nabibigyan ng ayuda hangang ngaun,isang no work no pay din po ako,my 2 apo na ginagatas,sa totoo lng po kabikabila n kmi ng utang upang makaraos LNG kmi sa araw araw,tga dto po ako dalig antipolo, sana po mabigyan din kmi ng pmilya ko, slamat po

    ReplyDelete
  8. Tanong kolang po makatangap po ba ung mrs ko sa pangalawang bigay ng SAP senior na ako po walang trabaho isang driver lang po ako lockdown kaya walang biyahe isa po akong frontliners sa aming lugar kahit wala kaming sweldo basta makatulong sa aming lugar kaya po nagtanong lang kung meron pang matangap yong mrs. ko salamat po

    ReplyDelete
  9. kunin nyo po lahat ng sap name n nabigyan marami dyn double ang ayuda. mayron din nkakuha sa sss 8k nkakuha sa sap 8k din. mayron naman mag asawa nkakuha pareho palibhasa hindi sila kasal.at mayroon dyn puro kamag anak ng mga nagbibigay ng ayuda kahit hindi naman qualify.

    ReplyDelete
  10. D2 samin kinuha lahat ng form ung isang copy hnd pinaiwan hanggang ngaun wala parin nakarating sa amin .. May baby pa nmn po ako ung asawa ko no work no pay din hnd na nmin alam kung saan kme kukuha ng png gastos nmin .. Tapos panay pa singil ng may ari ng bahay na inuupahan nmin sa kuryente at tubig sana nmn ung para sa taong bayan wag nmn nila ibulsa hnd lng sila ang nangangailangan ng tulong ..halos lahat tau naghihirap šŸ˜¢šŸ˜¢

    ReplyDelete
  11. naku ilabas kung sino sino ang mga yan

    ReplyDelete
  12. Hindi nyo pa po naisama yung BARANGAY PULANGLUPA UNO, LAS PIƑAS CITY! PATI HAZARD PAY NG MGA FRONTLINERS NG MGA BARANGAY TANOD NILA BINAWASAN PA NILA! WALANG MAGAWA ANG MGA FRONTLINERS KAWAWA NAMAN SILA SA KABIKA NG PAKIKIPAGTULUNGAN NILA PARA SA COVID -19 GANUN PA PO ANG GINAWA! ANG NAKINABANG YUNG MGA NASA OPISINA NA BUONG ARAW NAKA AIRCON! SILIPIN NYO PO AT BISITAHIN KARAMIHAN PA SA NAKA KUHA NG AYUDA KAMAG ANAK NG MGA NANUNUNGKULAN ! ABA WAG PURO SALUDO TAYO S MGA FRONTLINERS! AKSYUNAN NYO PO ITO! PARA NAMAN YANG MGA OPISYALES NA NAKAKATAAS SA MGA BARANGAY TANOD NATIN SA KANYA KANYANG MGA BARANGAY AY HINDI MASANAY AT HINDI NILA- 'LANG' ANG MGA TANOD NILA NA PORKET SILA AY NASA OPISINA TINGIN NILA SA MGA TANOD AY ITUSAN LANG AT NAPAKABABA! SALAMAT PO...

    ReplyDelete
  13. tama bka pati kmi kya wala pang notice sept n.june p ako nagregister s reliefaagad.tulad ng kapit bhay ko 1sap n 2sap imbes n 16k makuha 10nalang san napunta ung 6k.yan ang tanong s dswd

    ReplyDelete
  14. Naku po tama lang sa kanila yan. Kawawa n nga kami dhil sa pandemic nanakawin pa nila ang pera galing Sa mahal na pangulo president duterte. Kami nga hanggang ngayon wla pang trbaho mula ng ngkaroon ng pandemic at renters pa kami. Pangkain nga sa araw araw wla. 1rst and 2nd wave ay wala pa akong natatangap.šŸ˜¢šŸ˜¢šŸ˜¢

    ReplyDelete
  15. Kami nga po sa pamplona tres las piƱas wala p po 2nd tranche

    ReplyDelete
  16. Nasaan ANG mga pangalan ng mga magnanakaw na mga yan..

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive