Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

183 kaso ng mga LGU na sangkot sa anomalya sa SAP, iniimbestigahan na


Sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbestiga sa 183 kaso ng mga local government unit (LGU) na sangkot sa anomalya sa distribusyon ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Sambit ni Roque, ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na bigyang pansin ang mga lokal na opisyal na hindi sumusunod sa patakaran ng pamamahagi ng ayuda mula sa SAP.

Sinabi rin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na mananagot din sa DILG ang mga LGU na hindi nakatapos ng pamamahagi ng SAP subsidy sa itinakdang deadline.

Base sa report ng DSWD, sa 1,632 baranggay,  1,035 na ang nakatapos sa first tranche ng SAP. Sa updated data naman ng DILG, 1,265 na ang nakakumpleto sa distribusyon ng ayuda.

Dagdag ni Bautista, sa mga LGU na nakatapos na ng first tranche ng SAP, 140 lang ang nagsumite ng mandatory liquidation report at listahan ng mga benepisyaryo.
Share:

46 comments:

  1. Sana nga magawan ng investigation ang sap nayan sir president Duterte tulad po sa Akin may I'd naman po ako solo parent pero wala po talagang dswd na umikot sa amin dito sa looban ng belvedere paradahan 1Tanza cavite.. Sana po 2nd wave mabigyan naman po kami salamat po šŸ˜˜

    ReplyDelete
  2. Sana matulongan din po.kami..d po kami binigyan ng ayuda sa SAP..dito po kami sa brgy.makiling calamba laguna..tinatanong pa kami kung butante ba kami rito..d kami butante..ayun wala binaliwala na kami..šŸ˜„

    ReplyDelete
  3. Kailan po ang payout ng mga 4ps beneficiaries ngaun buwan ng mayo,2020?

    ReplyDelete
  4. Sna lang po evalidate mbuti ng DSWD ang mga naaproved ng SAP. Kawawa naman ang mga higit n nangangailangan ngunit ayaw bgyan ng SAC form nga Hoa president at purok lider.

    ReplyDelete
  5. Kami po wala pong natanggap na form ng SAP form ni isa wala talaga.šŸ˜”

    ReplyDelete
  6. Kami po wala pong natanggap na form ng SAP form ni isa wala talaga.šŸ˜”

    ReplyDelete
  7. Hays kame wala talaga 1st, 2nd batch wala talaga kaming SAP form. Dito po kami nangupahan sa blk 7 unity st prk 13 south daang hari

    ReplyDelete
  8. Mam sir paano k po MA laman Kung ma ksama po b ko sa ma bbigyan nang 2ST na ayuda dhil po ako nka fill up nang form nang April 29 pero ni piso nang unang ayuda wla pa na tanggap dhil po n wwla dw po ang form k

    ReplyDelete
  9. makakatanggap po ba ulit yung unqng nqkqkuha ng SAP

    ReplyDelete
  10. Pano po kaya ang proseso sa 2ndtranche ng sap?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mam/sir paano k po MA laman Kung ma ksama po b ko sa ma bbigyan nang 2nd Trans na ayuda dhil po ako nka fill up nang form pero ni piso nang unang ayuda wla pa na tanggap si Lord God na bahala po

      Delete
  11. Tatay ko po senior at solo parent pa..walang pension sa sss pero nd po qualified sa SAP program ng dswd..samantala maraming nd qualified dto samin na nakatanggap ng SAP saka kamag anak at anak ng nagwork sa brgy pasok lahat sa Sap..maganda po ang hangarin ng pangulo sa mamamayqng pilipino anu po nangyari?paki imbestigahan po dto sa brgy.gaya gaya towerville 6 san jose jose del monte monte b..salamat po

    ReplyDelete
  12. Isali nyo nmN po lht ng opisyal ng taguig lhat po cla.. dhl d2 pinipili lang po nila ang binibigyan po.. pls lang po s taguig.. pr mbwasan nman ang korakot d2.. sir.. taguig cty po

    ReplyDelete
  13. Sana lahat ng baranggay po maimbistigahan lalo na po dito sa camarines norte..

    ReplyDelete
  14. Meron din po dito sa bagong silang 1 labo camarines norte na nag kakalat ng making balita.. Sana po matugonan nio.. Plss po paki imbistigahan po dito sa bragay bagong silang 1 labo camarines norte..

    ReplyDelete
  15. Sa bragay excevan labo camarines norte.. Po madami din po nag fill up ng form na di nabigyan.. Pati po ang kalahati ng form di binalik sa nag fill up..

    ReplyDelete
  16. Ano baho ang tama bakit ang daming fake news gamit ang picture ni spoke person harry roque?

    ReplyDelete
  17. Dito sa among probinsya yong 1st sap hindi ibingay nang taa dswd yong slot sa anak kasi walasaamin doon sa cebu don na lock down hindi nila ibinigay kc wala yong member..uct member ang anak ko.. Tanong ko lang bakit hindi nila ibinigay uct membe diba auto matic maka tanggao ng sap bakit walang wala eh..

    ReplyDelete
  18. Sna maimbistigahan din po ang tungkol sa mga waitlisted po ,

    ReplyDelete
  19. Sna maimbistigahan din po ang tungkol sa mga waitlisted po ,

    ReplyDelete
  20. Kailan sa lapu-lapu ang distribution ng SAP wala pa kami narinig galing sa DSWD sa lapu-lapu

    ReplyDelete
  21. Kailan sa lapu-lapu ang distribution ng SAP wala pa kami narinig galing sa DSWD sa lapu-lapu

    ReplyDelete
  22. Sana may update kong kailan ang pay out sa lapu-lapu city Cebu

    ReplyDelete
  23. Isama niyo n rin po pg imbistiga lgu dswd at brgy kapitan nmin sa sabwatan ngyari sap distribution 1st tranche gang ngayun wala kmi ntanggap ayuda galing gobyerno brgy mataluto tagapul_an samar

    ReplyDelete
  24. Kung puro imbestiga lang at wala namang naipapakitang napaparusahan wala ring silbi ang gagawing pag iimbestiga. Kaya tuloy lang ang ligaya ng mga buwayašŸ˜ 

    ReplyDelete
  25. Sana naman magawan ng paraan ang mga ganitong gawain ng mga d mapagkatiwalaan mga tao.

    ReplyDelete
  26. Ano po ba dapat gawin...hindi po talaga sumunod ang DSWD dito sa amin sa Toledo City, City na magbahay bahay upang malaman po talaga nila kung sino ang karapat dapat tumanggap ng SAP?....pumunta din po ako sa Barangay hall at nagfill up noong form na sabi nila isusubmit daw po nila sa DSWD for qualifying...ano po ba ang basehan...buti pa yong iba namung kapit bahay...may mga bahay sila...makakatanggap ng pangalawang SAP...AKO... walang bahay kasi wala kaming lupa at pampatayo ng bahay kaya renta kami....informal sector man ako at walang sahod kaya siguro dapat qualified ako...ano ba ang basehan nila....may religious Bias ba...kasi hindi ako Katoliko? Bakit di talaga sinali ng DSWD ang name ko para doon sa qualified at makafill up ng form para sa SAP?

    ReplyDelete
  27. Dito nga sa amin Asawa at anak ng kagawad nakatanggap ng SAP pero ang mahihirap wala,mas inuna pa kapamilya nila na bigyan hayss

    ReplyDelete
  28. D2 nman smin ang nauna vgyan ay ung may kkyahan pa bumili ng pagkain at 2loy prin ang negosyo nla nung ecq kmi i2 wla tlga pagkunan at tigil ang trabaho nmin paki aksyonan namn ho please brgy del remedio san pablo laguna

    ReplyDelete
  29. D2 nman smin ang nauna vgyan ay ung may kkyahan pa bumili ng pagkain at 2loy prin ang negosyo nla nung ecq kmi i2 wla tlga pagkunan at tigil ang trabaho nmin paki aksyonan namn ho please brgy del remedio san pablo laguna

    ReplyDelete
  30. Kami din dito sa Brgy 326 severino reyes Street zone 33 sta. Cruz Manila wala pang Natanggap na SAP tapos na po kami nag filled up mag 2 months hanggang ngayun wala pa din no work no pay walang na tanggap na SSS subsidy DOLE sana naman mabigyan na kami simula nung nag lock down wala na kaming trabaho baon2× na po kami sa bayarin nangupahan lang din po kami

    ReplyDelete
  31. Dito po sa amin sa bayan ng ganduz pantabangan inalis po name ko sa listahan. Nilagay nila sa list solo living pero single parents po aqo 3anak

    ReplyDelete
  32. Kami po dito sa general trias cavite hnggang ngayon hnd pa din po mabibigyan ng ayuda pero karamihan po nabigyan na qng sino pa walang anak sila pa mga nabigyan. Pag nagtanong aq sa BARANGAY hnd nagrereply sa mga chat at text ko ang lintik na secretary dati nman nagrereply sya

    ReplyDelete
  33. TATAY DIGONG Dito po purok9 san dionisio paranaque city dami mman dito mga waitlisted na walan ng trabaho hanggang ngayon. Hndi pa kami binibigyan ng DSWD.

    ReplyDelete
  34. ako din poh isang ofw na na stranded sa pinas na maq fligth na sa march 12. 2019 sa kasamaan palad di po kmi natuloy gawa ng lock down.. ang masakit pa don mga kasamahan ko nakatanggap ng ayuda mula sa dole akap. sabay sabay kmi nag fil up. pero ung saken poh di dw qualified .bakit po mga kasamahan ko naka kuha samantala mag kakasama kmi nag fil up.

    ReplyDelete
  35. pinipili lang nila ung mga binibigayan nila ng ayuda. lahat naman nag hirap gawa ng pandemic.sana nman lahat matulungan .hindi yung pinipili lang.

    ReplyDelete
  36. Kami po nkakuha ng 1St tranche pero qualified po aq ksi my baby aq tapos2nd tranche wala na pero ung iba residents dto nkakuha ei kmi boarders lng dto... It's unfair

    ReplyDelete
  37. Mahal naming pangulo kami ay waitlisted po hanggang ngyon po wla pa po kami na tatanggap po nawalan po ako ng trabaho hanggang ngyon isang kahig isang tuka n lang po kami renters po kami dto ilang buwan dn po dn nman po akong nag volunteers hanggang matapos ang lock down pero kaht SAP at wala po akong nttanggap dito sa 1700 purok9 san duonisi paranaque city.

    ReplyDelete
  38. masaya na ako makulong lang lahat ng mga walang pusong mga tiwali na nagnanakaw sa kaban ng bayan..šŸ˜ šŸ˜” hindi lumaban ng patas kinakawawa mga simpleng mamamayan.

    ReplyDelete
  39. Help po para sa aming mga waitlisted hanggang ngyon wala parin po.

    ReplyDelete
  40. wala pa din po yong panaglan ko nawala ako sa listahan pero nakatangap ako ng 1st tranche, ngaun 2nd tranche nawawala ang pangalan ko Paano po kaya un? di na ko kasali sa makakatangap ng 2nd tranche?

    ReplyDelete
  41. mrami ang doble ayuda nkuha.... mrami din nali2gaw sa ibabg brgy at wala sa masterlist mismo!!!

    ReplyDelete
  42. Hello Po pangulong duterte Sana nmn po matugunan nyo Ang aking pong hinaing dito sa barangay bagong silangan qc dami Po kc Hindi papo nakakuha sa 2ndtranch samantala Po nakakuha nmn po po Ang iba nang 1rsttranch dami Po nawala Ang name sa master list katulad Po Ang Asawa ko nakakuha nmn po cya nang 1rsttranch ngayun lng po 2ndtranch Wala po tlaga cyang nakuha

    ReplyDelete
  43. Simula ng. Magnigayan ng ayuda wala pa po akung nakukuha single dad po aku... May makukuha pa po ba aku

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive