Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 barangay captain sa Region 5 at 6 na dawit sa katiwalian sa SAP payout, iniimbestigahan na


Dalawang pinuno ng barangay mula sa Region 5 at 6 ang iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police (PNP) dahil sa anomalyang nagaganap sa distribusyon ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.


Ayon kay PNP chief Police General Archie Gamboa, ang kapitan mula sa Region 5 ay nahaharap sa kwestiyonableng listahan ng mga benepisyaryo ng SAP habang ang isa naman mula sa Region 6 ay naiulat na nagpapairal ng "kamag-anak system" sa distribusyon ng ayuda.

Hindi pinangalanan ang mga opisyal ng barangay sapagkat kasalukuyan pang tumatakbo ang imbestigasyon. Ibinahagi rin ni Gamboa na maraming pang opisyal ang sisiyasatin lalo pa at may listahan na ang mga awtoridad ng mga nangungurakot sa tulong pinansyal ng pamahalaan.

Ang imbestigasyon maging ang pag-aresto sa mga  opisyal na inirereklamo kaugnay ng SAP ay alinsunod sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nagsimula ang hakbang ng ahensya matapos maaresto ang barangay kagawad sa Bulacan na ibinulsa ang kalahati ng ayuda na dapat sana ay para sa mga mahihirap.

Kamakailan ay nagsabi na rin si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng  P30,000 na pabuya ang sinumang makapagsusumbong sa mga opisyal na kumukurakot sa pondo ng SAP. Maaaring tumawag sa 8888 kung magre-report ng anomalya patungkol sa pamamahagi ng ayuda.
Share:

1 comment:

  1. Yan ang sinasabi ko kapagtaka tlaga.kgaya nlng s munyinlupa city s southbille 3 marami ko nbabalita nagtatanungan bkit d nkakarating ang pag payout ng sap smntalang halos lagpas n 1month nktapos mag papirma ng form at magparegisterd s fb or chrome.asan n naibulsa nb lht ang pera n pra s mamamayan.lht imbestigahan.nyo.ksi konti lng nmn bayan n ang sakop ng pmimigay ng sap halos kramihan region 4 at maynila at iba png lugar.pro ni minsan la kmi nblita n nmigay n s bayan ng munyinlupa kht un sinasabi n rehistered wala
    Asan n ang sap n ayuda.tapos nb ibulsa?d p mn lbg nag umpisa s southville 3 poblacion muntinlupa city

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive