Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2nd wave ng SAP, ECQ areas nalang ang makikinabang


Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing, na tanging ang mga nasa lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) nalang ang makakatangap ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Inaprubahan na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na limitahan ang ikalawang distribusyon ng SAP subsidy at ipamahagi nalang sa mga ECQ areas.

"Sa unang buwan [ng implementasyon ng SAP], lahat ng nasa ECQ may ayuda. Sa pangalawang buwan [ng implementasyon ng SAP], ang mga nasa ECQ lamang ang may ayuda, wala na pong ayuda 'yung mga nasa GCQ area," sabi ni Roque.

Paliwanag ni Roque, ang budget na inaprubahan ng kongreso para sa susunod na distribusyon ng SAP subsidy ay ipamamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo na nasa ECQ areas at pati na rin sa karagdagang limang milyong pamilya na hindi pa nakatatanggap ng ayuda noong unang implementasyon ng SAP.

Ang SAP ay programa ng gobyerno na may budget na P200 billion at naglalayong makapagbigay ng P5,000-P8,000 cash assistance sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng coronavirus pandemic sa buong bansa sa loob ng dalawang buwan.
Share:

29 comments:

  1. Sana PO yung mga Hindi nabigyan Ng form eh mabigyan Sana katulad nlng PO aqo wla po form na natanggap no work no pay din Ang asawa ko...šŸ™šŸ™šŸ™

    ReplyDelete
  2. Ahhh wala npo tlaga pala ung 2nd wave..haist..

    ReplyDelete
  3. Sana po kmi din mabigyan NG form kc no work no pay din kami at nagboboard Lang since lockdown.

    ReplyDelete
  4. prince christian janapin
    contraction worker
    no work no pay
    single parent

    isa sana aq mabigayn ng ayuda ng gobyerno o tranche
    d po aq kasama sa nung unang ayuda ..slamatpo sa inyong pagtugon
    149 san marcos st barangay 34 maypajo caloocan city
    #09511274686

    ReplyDelete
  5. Hayyss wala na palang second wave GCQ nga pero wala pa rin trabaho asawa namin ,paano pag wala nang bigas ipamimigay ang goberno anong kakainin namin ?? šŸ˜Ŗ

    ReplyDelete
  6. Oo nga po paano na Lang ang pamilya ng mga taong di pa rin nagkakapagtrabaho dahil masakyan, Wala ng ayuda galing sa LGU tapos mawawala pa iyang SAP ... Paano Yung mga babayadin sa upa kuryente at tubig??? Wala nmn patawad ang mga yun kung maningil??? Sana po dinggin din ng gobyerno Ang mga hinaing ng mga tao na umaasa sa 2nd tranche na Alam Naman ng buong pilipino na may budget na para dyan?? Sana matugunan po Ito ng maayos.

    ReplyDelete
  7. Sna po kmi din mbgyan ng form mron po ako mliit na mini sari2 store simula po ng mglockdown naubos npo laman no work no income din po ako may mga apo pa akong mliliit .sna po mtugunan po slmat

    ReplyDelete
  8. dito sa angat bulakan madami po kaming hinde naka sali sa sap. isa napo ako don. hinde ako nakasali dahil hinde ako botanti.sa pagkakaalam ko crisis ngayon hinde eliksyon. bakit pinipili lang nila ang bibigyan lalo na sa relaef goods.

    ReplyDelete
  9. sa pasay city po lahat di pa nabigyan lalo na po kami mga nangungupahan at wlang kamag anak dito sa manila at no work no pay po dahil sa covid 19 sna mabigyan din kami tulad naming nangungupahan lang at wlang sahod po

    ReplyDelete
  10. Sir mag antay po kmi sa 2nd wave slang cavite p Ć ko

    ReplyDelete
  11. oh bkt nag iba na nman akala ko ba mecq o gcq man dapat mbgyan dhil wla pa nmang mga trabho ung ibang nasa gcq na at ecq pa sa lugar na pnagtatrabahuan nla bkt nmn ganon paiba iba ng pahayag saka panu ung mga gcq na lugar pero wla pa nmng knikta? ano na mgyyari samen lalo n at nung may 16 lng nag start GCQ dto samen unfair nman ata yan..sana mapasama pa ung mga kaka GCQ lng nung may 16 sa 2nd tranche..

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga e,gcq n ang quezon province pero asawa q nsa quezon city,ndi nakauwi dhl inabot ng lockdown mag 2month n cya dun,no workno pay,nasa site lng cila..Ecq pa ang quezon city kya wala dn pdla smin,sana nmn mapasama pa ang gcq sa sap..

      Delete
  12. Sana po khit NASA GCQ na kami mabigyan ulit. Kasi Mula noong nag simula nah itung lockdown ditu sa CDO. Hanggang ngyayun Hindi pa nka balik trabaho Ang asawa ko. Ng rent pa kami Ng bahay. At may anak pang kailangan pakainin. Wla kaming pag asa ngayun Kung Hindi mag hintay sa tulong ninyu. Sana po bigyan parin ninyu kami ulit. Napakalaki pong tulong sa amen ngayun. Salamat pošŸ’—

    ReplyDelete
  13. Pano naman po yung mga nasa GCQ areas na di pa naman nakakapag work? Dahil walang byahe, or wala pang pasok dahil under pa ng ECQ ang pinapasukan? Sana mapasali padin kahit nasa GCQ na.

    ReplyDelete
  14. kami taga dasma cavite...GCQ kami..pero wala pang trabaho dahil sa bwesit na covid...kahit GCQ na kami parang ECQ parin ang kalagayan namin...dapat mabigyan parin ang nasa GCQ..kc GCQ or ECQ..parang walang nagbago sa lugar namin...

    ReplyDelete
  15. Papano kami nandito kami sa cavite nabigyan kami ng First wave doon sa probinsya Yong kalahati ng form nandon sa nanay namin nagtanggap..papano po.. Sana po matugunan po

    ReplyDelete
  16. Good am po ...Kami dito sa ILIGAN CITY..under po kami ng MECQ..kasi nagpq nukala po Mayor namin dito ng color coding napo kqmi ...sa brgy. namin. Wednesday/Saturday po labas naman..Kaya tanong q po qng.kasali pa po ba kami sa 2nd tranche?...Thank you and GOD BLESS us all

    ReplyDelete
  17. Sana pantayin LNG ang GCQ at ECQ sa pag bigay dhl lht nmn walang mapag kuhanan ng makain dhl wala pang trabaho,

    ReplyDelete
  18. Sana mabigyan din lahat na mga Tao Kasi parihas lng hirap sa buhay at Ng hihirap tulad ko no work no pay isang contractions working

    ReplyDelete
  19. Sana pati din po nakagcq kase gcq na eh wala parin trabaho llimitado lang ang papasok sa construction paano naman po yung di nakapasok, sana po pati din kami

    ReplyDelete
  20. Bakit naman po ECQ areas nlang ehh..wala namn pa din pong trabaho ang nsa GCQ areas di nkapag travel kasi pĆ² may covid pa sa ibang lugar

    ReplyDelete
  21. Sana po kami mabgyn din kasi po nong una Di po kami nka tanggap bntis pa ako non pa balik2xpa. Nga po ako sa barangay para mag baka sakali pero wla pariN po nangyari kahit mainit non balik pariN ako ng balik kasi nag baka sakali pero wla talaga hanggang nangank nlang ako nong April 22 2020 hanggang ngayun nag makaawa po kami sa inyu sana po matulungan NIYO po kami marami po kami dtu Di nabgyn.. Oo nsa gcq na kami ehh pano namn po kami mkapag simula sa umpisa na ngayun palang po hirap na hirap kami tatlo po anak ko ang isa 2 years old Gina gatas kupa tapos ang isa 1month palang ka kapanganak ku lang a ditu pa yung kapatid ko na 9 at isa ku pang anak na 6 bali po apat po yung bata dtu wla na kaming makain sana po matulongn NIYO Po kami dtu..

    ReplyDelete
  22. Ang gulo nmn po bat sabi ksma parn sa 2nd wave ang msa gcq area at ang nkatanggap nun 1st wave ay makktanggap prn ano po b tlga amg totoo??

    ReplyDelete
  23. Yun po bang MECQ tulad ng Quezon city ay mkakatanggap ng 2nd tranche?

    ReplyDelete
  24. Mga senior kmi walang hanapbuhay walang relief walang ayuda ng gobiyerno nong unang bigayan, pano kmi wala ng makain

    ReplyDelete
  25. Kami po dito sa brgy namin pinapirma kami Ng SAP form Bali 2weeks na po Ang nakakalipas..tapos ibinalik na samin ung kalahati Ng pinirmahan namin..Sabi Ng kagawad namin na nagbigay antayin na lng Ang tawag Ng dswd pero may pinapirmahan samin na papel katunayan na ibinalik samin ung kalahati..pero sa lunes ay June 1 na at GCQ na pano pa namin un makukuha? Ang Sabi po KC ni sec Harry roque Ang mga nsa GCQ ay Hindi na makakakuha pano po ung mga pinirmahan namin na form?

    ReplyDelete
  26. Kung tutuusin dpat kasama p s 2nd wave ung mga naunang nbigyan kasi nung time n ibinaba ng pangulo ung utos n kasama p s 2nd wave ung mga naunang nbigyan eh NASA ecq ang bulacan,dapat nga mecq n tau eh pinakiusap LNG ni Gov.n ecq prn,dpat ky governor Daniel Fernando gwan nio nman ng praan n mkasama p tau s 2nd wave,kasi kung tutuusin nung binaba ung order ecq p tau nun,sa bagal ng DSWD n gawin ang trabaho nla bgla tau nasama s gcq,n kung tutuusin sakop p sana tau s ecq..sana ky governor Daniel Fernando matulungan nio mg kababayan nio kasi kmi eh hirap n hirap n s sitwasyon ngaun,pano kami mgsisimula ulit kung hindi kami mkakatanggap ng pngalawang ayuda ng governor..

    ReplyDelete
  27. Pano kmi mgsisimula ulit kng hindi kami makakasama a pngalawang ayuda ng gobyerno

    ReplyDelete
  28. Paanu naman po kaming walang pag kukunan kahit niyogan wala.. Tapos wala pang matrabahuha kc lahat kami dito apiktado..


    Kaya wala halos nag papa trabahu kc ung ipapa trabahu nung iba cla nalang gumagawa kc walang budget..

    Pg wala na palang pang bili nganga nlng..

    kc wala na palang 2nd wave..
    Dito sa bagong silang 1 labo camarines norte..

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive