Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2nd wave ng SAP hindi masimulan dahil sa LGUs na wala pang liquidation report


Posibleng dumoble ang bilang ng mga Pilipinong makararanas ng hirap at gutom ngayong may coronavirus sa bansa ayon kay Social Welfare  Assistant Secretary Joseline Niwane lalo pa at marami pa rin ang hindi makalabas at hindi makabili ng pagkain at patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng sakit.


Sabi ni Niwane, aabot sa 5 milyong pamilya na nasa sa  mga enhanced community quarantine (ECQ) area ang mabibigyan ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP), ngunit hindi nila ito mauumpisahan hangga't hindi nakakapagsumite ang mga local government unit (LGU) ng liquidation report ng unang implementasyon ng programa.

“Ang problema natin kailangan natin 'yung liquidation kaya hinihikayat natin 'yung LGUs na nakatapos na kasi more or less marami ng nakatapos . . . Umaabot na ng 1,030 ang naka-100%,” sambit ni Niwane.

Kailangan din umano nila ng updated na listahan ng mga pamilyang dapat tumanggap ng SAP na kailangan ding i-validate ng field offices para matiyak na hindi pa nakatanggap ng ayuda ang benepisyaryo mula sa ibang ahensya gaya ng DOF, DA at DOLE.

Target sana ng ahensya na sa una o ikalawang linggo ng Hunyo na makapagpamigay ng second tranche, ngunit bigo ito dahil bukod sa hindi pa kumpleto ang mga listahan at liquidation mula sa mga LGU, ay hindi pa rin natatapos ipamigay ang unang tranche.

Samantala, tiniyak naman ni Agriculture Secretary William Dar na may sapat na supply ng pagkain sa bansa hanggang matapos ang taon lalo na sa bigas.
Share:

4 comments:

  1. We hope in the end of this year matatapos na tong problemang himaharap

    ReplyDelete
  2. Any tagalng 2nd wave,siguro pagdating ng ayuda maraming Tao ang namatay na Dahil sa gutom Hindi dahil sa covid

    ReplyDelete
  3. grabe nmN ... dami na ngututom.. tagal. nmn abutin p yta ng july yan

    ReplyDelete
  4. Wala na ! Tagal magbigay ng tulong . Matagal mag bigay ayuda . Pro kapag kupitan at pangungurakot napakabibilis !
    Iba din kau . Di nyo namomonitor yan ! May mga karapat dapat bigyan ng ayuda pero ang mas nauna pa ung mga continues ang work at higit sa lahat ung mga nagwowork sa gobyerno . Garapalan !
    Kaya Kaya umuunlad tong bansa natin ! Dami mga magnanakaw

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive