9-year-old COVID-19 patient, maraming napaiyak sa kanyang awit ng panalangin
Marami ang naiyak sa viral na kwento ng pananampalataya ng isang batang lalaki, mula sa Cebu city, edad siyam na taong gulang na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang video na ini-upload sa facebook, makikita ang bata na umiiyak habang inaawit ang kanyang dasal ng paggaling sa Panginoon.
Mahigit isang linggo nang naka-isolate ang batang pasyente sa isang isolation center dahilan upang mahiwalay siya sa kanyang pamilya. Bagama't nakakausap ng bata sa pamamagitan ng text messages at tawag ang kanyang mga mahal sa buhay, hindi pa rin nito maiwasang maiyak sa pananabik na makauwi muli.
Ang batang pasyente ang bunso sa apat na magkakapatid at ang tanging nagpositibo lang sa sakit. Matapos lagnatin at makaranas ng pagdurugo ng ilong noong Abril ay agad na itong nagpa-test kasama ang kanyang tiyuhin.
Mangiyak-ngiyak man ang bata nang malamang ito ay may COVID-19, nanatili itong matatag at may pananampalataya sa Diyos.
"Hindi sila makakapasok dahil meron akong Panginoon na nagbabantay," sambit ng bata sa isang panamayan.
No comments:
Post a Comment