Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

COVID-19 patient tumakas sa quarantine facility sa Davao


Isang babae na may COVID-19 umano ang tumakas mula sa isang quarantine facility sa Davao City nitong Sabado (May 9), sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng pasilidad.


Ayon kay Mayor Sara Duterte, umeskapo ang pasyente sa Queensland Hotel sa lungsod matapos hindi payagan sa kanyang hiling na makauwi.

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ang naturang pasyente. Pinuntahan na ng mga pulis ang bahay nito sa Barangay 23-C ngunit wala ito roon.

"Pinuntahan namin siya doon sa lugar nila kaso wala. Wala siya roon sa bahay nila. Wala rin siya doon sa kanilang barangay. We do not know kung nasaan siya ngayon.  Hinahanap pa rin siya,” sabi ni Mayor Sara sa isang panayam.

Nakikiusap ngayon ang alkalde ng lungsod sa pasyente na bumalik na sa quarantine facility. Umapela rin ito sa iba pang mga pasilidad na higpitan ang seguridad upang maiwasan ang parehong insidente dahil marami rin ang nagbabadyang tumakas.

"Hindi lang siya ang [gustong tumakas], meron pang iba na naga-attempt. May security tayo sa ating mga facilities, but this time, dinagdagan na,” dagdag ng alkalde.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive