Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DOLE may dagdag na P1-Billion budget para sa ayuda ng mga manggagawa


Nakatanggap ng P1-billion additional fund ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa financial assistance program ng ahensya sa mga manggagawang naapektuhan ng krisis, ayon sa ika-8 report sa Kongreso ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes (Mayo 18).


And karagdagang pondo ay galing sa mga ikinanselang proyekto at special purpose funds ng pamahalaan na kung saan P246.13 billion nito ay una ng naipamahagi sa iba't-ibang ahensya kasama na ang DOLE.

Noong nakaraan, una ng nag-realign ang DOLE ng P1.5-billion mula sa pondo nito ngayong taon upang mabigyan ng tulong pinansyal ang 300,000 formal workers sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP).

Ang CAMP na may nakatalagang P3.28 billion budget ay nakapamahagi na ng ayuda sa 649,573 na manggagawa mula sa pormal na sektor base sa report ng Presidente.

Samantala, sa P246.13 billion na pondong inilabas ng gobyerno, ang Department of Social Welfare and Development ang nakatanggap ng pinakamalaking parte para rin sa financial assistance program nito sa mga low-income families.
Share:

2 comments:

  1. Wala kame natanggap na ayuda...since nagstart ecq...from government.

    ReplyDelete
  2. ganun din poh ako isang ofw na di natuloy. gawa ng pandemya . di dw poh ako qualified sabi ng owwa.. bakit poh ganon mga kasamahan ko naka kuha. bakit ako di na bigyan

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive