Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD, humihingi ng karagdagang P662 million budget para sa mga biktima ng kalamidad


Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay humihingi sa Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang pondo na nagkakahalaga ng P662 million para sa Quick Response Fund (QRF) na layong matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.


Ayon kay DSWD spokesperson Director Irene Dumlao noong Sabado, ang pondo para sa QRF ay naubos na dahil sa COVID-19 crisis. Ang QRF ay isang stand-by fund na ginagamit upang tugunan ang relief at rehabilitation ng mga biktima ng kalamidad, ayon kay DBM.

“Humihingi tayo ng karagdagan sa DBM para ma-replenish. Hiningi natin ay P662 million,” saad ni Dumlao.

Nilinaw ni Dumlao na ang QRF ay iba pa  sa Social Amelioration Program (SAP) ng ahensya na may  P100 billion ng pondo para sa second  tranche ng nasabing programa.
Share:

1 comment:

  1. Hello po, May concern lang po ako About sa work ko and sa SSS, dswd at dole, 1 month na po akong nag wowork sa Shakeys Balanga Highway. At kumpleto na ang mga requirements ko sa kanila, Philhealth, SSS at Pag ibig. Wala pang 1 week ang work ko sa kanila kumpleto na requirements ko, By February 2020.

    Ask ko lang po bakit hindi ako kasama sa Sap (8k) mga new employees nila? Ibigsabihin po ba non hindi nila nahuhulugan SSS namjn? Dati pa po ako maySSS 2017. Kasi nagwowork ako sa Mcdonalds Balanga Main. Kaya nakakapag taka na wala akong SAP (8K)


    Wala po akong natanggap ni isa sa Dole, SSS at dswd.
    Dati pa po ako nag wowork since 2017-2018 from mcdonalds balanga main, now po sa Shakeys Balanga. Present work ko. Kumpleto requirements ko sa kanila pero wala po akong natanggap kahit saang may SAP

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive