Isiniwalat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kahit patay na ang ilan sa mga nasa listahan ng ahensya ay patuloy pa rin nilang natatanggap ang ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakakatanggap ito ng mga reklamo patungkol sa pandarayang nagaganap sa SAP upang makuha ang cash aid ng mga yumao ng benepisyaryo.
Dahil dito, nagbabala si Bautista sa mga mandurugas at maging sa mga lokal na opisyal ng gobyerno na kumukunsinti sa kamaliang nangyayari sa distribusyon ng ayuda.
Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga hindi naman kwalipikadong benepisyaryo na ibalik ang natanggap na pera upang maipamahagi sa mga higit na nangangailangan. Ngayong buwan ay may iilan na ring nagsauli sa ayudang nakuha sa takot na makulong sa bilangguan.
Ipinatupad ang SAP upang makapagbigay tulong pinansyal sa mga lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Ang mga kwalipikadong benepisyaryo lamang nito ay ang mga low-income household kasama ang mga senior citizen, persons with disability, overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho at mga nanay na buntis.
Para po sa mga taga dswd dto sa barangay talipapa novaliches quezon city kau po sana ang namigay ng form hnd po ung mga nag tatrabaho sa barangay kc pinipili lng po nla kung sino po gusto nlang bigyan! Unfair naman po sa mas higit na nangangailangan!
ReplyDeleteSa mga tga DSWD po dto sa brgy malitlit sta. Rosa laguna sana po nd nio hinyaan nasunun ung mga ksamA nio tga brgy sa pg Lilista pra sa form ng sap.ngun po kita nmn nmem n nd patas ang ginwa nio. Sana nag interview kau ng maaus.ngaun ang Dameng umaapila n Tao dhil jn sa palakad nio. Pki review nmn ung mga binigyn nio dto saka nio sabihin smen nd nd kame karapatdapat at sa tamang tao nio binigy. Ni nd nga ma I post ung Master list dto.
ReplyDeletekayong mga taga DSWD ang may kasalanan kung bakit nangyari na kahit patay na at pati nayung mga hindi qualipikado ay nakatangap parin ng ayuda sa SAP. DAHIL WALA KAYONG TAMANG KOORDINASYON SA LGU, Yang listahang nyung BULOK ay ginamit nyu pa rin. doon sana kayo kumuha ng basihan sa profiling na ginawa ng BARANGAY dahil yun ang updated na record hindi yong bulok nyung listing. ngayon ipasa nyu sa barangay ang problema, ang saya nyu iwas pusoy.
ReplyDeletepara s po sa mga taga DSWD dapat Po bahay bahay kayo ang mag iinterview hindi po yung mga staff lang ng brgy at puruk lider lang para po malaman nyo kung cno ang nagsasabi ng totoo marami po dto sa baranggay 128zone 10 ang nagkaroon ng ayuda naga may trabaho at doble sa isang family kahit dalaga nagkaroon cnama lang sa interview yung ampon nila pero ang totoo nakalista na yung bata sa nanay nya sa uct samantalang ang mama ko senior hindi nakasama sa ayuda kahit 1500.wala,gatas wala rin dahil hindi raw nakalista pero nakakuha xa ng biscuit ,itlog box ma galing kay mayor isko. tapos sabihin hindi nakalista sa gatas wala rin..unfair naman po yun.. votante pa mama q dto tapos yung namatay na po may gatas c mama na buhay wala...
ReplyDeleteEh pag ganyan ang nangyayari na pati patay nakalista Pa malamang yan kasabwat ang LGU nyan magaling mag hucos fucos para napasakanila ang salapi. Imbes na maitulong nlng sa mga mas na nangangailangan. Kaya pala cguro nagkakaubusan daw ng form dahil yata para ito sa patay na nakalista..
ReplyDeleteSana Ilabas lahat ng Listanhan ng mga nka kuha sa Dswd kasi kahit dto sa Cainta mga Blk leader lng ang nililista , hindi lahat binigyan pinili pa, pare parehas naman naapektuhan ng pandemic..
ReplyDeleteAng masama gabi nag lilistahan parang gapangan ng boto...tsk tsk...
HINDI lang naman patay ang nabuhay ng mga kurakot ei, buhay n buhay din ang mga kamag anak, kaibigan , kumare kumpare etc...ayun hazard pay ng husband ko 2400 nakuha ! mga walang awa! malamang nkihati or nbigyan din ang mga GHOST dun ! yung makikita lang kapag araw ng sweldo nauuna pa sa pila! or may taga kuha nmn yung ibang multo!!!! grrrrr......
ReplyDeleteHay buhay nga nmn. Ung kreminal may isang libo paraan ang pag patay ang magnanakaw may isang millon paraan ang mga buaya at kurakot may dalawabg milyon na paraan...hhahahha patay naka koha ng dswd sap wow
ReplyDeletePwedi pa po ba makuha ang sap ng kamamatay lang..
ReplyDeleteSalamat po sa sasagot
Na stranded po ako bocaue bulacan noon unang lockdown kung kaya hindi po ako nakakuha ng unang bigay ng ayuda ....
ReplyDeleteSa pangalawa po hindi ako nabigyan sa lugar namin sa matandang balara qc dahil sa wala ang pangalan ko sa unang listahan ng ayuda at ngayon pangatlo paano po ako makakakuha?
Ako po si Mr.Joebilyn Barredo Nobleza ng purok 4 area 5 villa beatriz old balara qc.
Sana po mabigyan din po ako lalo na ngaun buntis ako wala po work Pina leave na ako sa work ko dahil sa pandemic na to tapos problema ko pa paubos na ung Maintenance na gamot ng (PWD) ko Anak na Panganay naway maging fair nman po kayo hiwalay po ako sa Asawa ako lng po ng work buti na lng nag work ung Anak ko Panganay kahit my mental illness cia pero maliit lng sahod nya naghinhingi ako bayad sa bahay Namin un lng po Sana nman po kahit di kami naka list jn sa DSWD naway mabigyan nman po ako Ang hirap po tlaga lalo na ngaun Wala ako work di an pwd asahan ko ung pwd ko Anak Sana maawa po kayo kahit gutom na ako tinitiis ko lng Ang gutom😭😭😭ako po Marissa Maderada nakita sa taguig city
ReplyDelete