Matapos kanselahin noong kalagitnaan ng Marso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilan sa mga proyekto nito bunsod ng coronavirus pandemic, pinapabilis na ngayon ng ahensya ang implementasyon ng supplementary feeding program (SFP) na layong tugunan ang nutrisyong kailangan ng mga batang "malnourished" sa bansa.
Ayon kay DSWD-Program Management Bureau (PMB) Sectoral Programs Division Chief Miramel Laxa, mayroon ng mga bagong stratehiya kung paano isasagawa ang SFP upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bata ngayong may krisis.
Dagdag ni Laxa, binago ng ahensya ang ilan sa mga guidelines ng proyekto upang limitahin ang interaksyon at panatilihin ang social distancing alisunod sa quarantine protocols ng bansa.
"Tinitingnan na po natin yan with the help of National Nutrition Council, the DOST-FNRI (Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute), as well as with the DOH (Department of Health) on how we could test and effectively supplementary feeding program given the COVID-19 pandemic," sabi ni Laxa.
Kaugnay ng Social Amelioration Program (SAP), iminungkahi ni Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez sa DSWD na gawing prayoridad ang "families with malnourished children" sa mga bibigyan ng ayuda sa second tranche.
No comments:
Post a Comment