Lola na nakatanggap ng 5k na ayuda mula sa SAP; pinakamalaking pera na nahawakan niya
Hindi mapigilan na mapatalon sa tuwa at maiyak ang animnapu't limang taong gulang na si lola Veronica Piliton nang makatanggap siya ng P5,000 na ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa barangay heights, General Santos City, ito na raw kasi ang pinakamalaking halaga na kanyang nahawakan sa buong buhay niya.
Nabubuhay lamang si Lola Veronica sa pamamagitan ng pangangalakal at kumikita lamang ng P100 sa bawat araw kasama ang kanyang asawa na si Venancio. Halos isang beses na lang sila kumakain sa bawat araw dahil natigil ang kanilang pinagkakakitaan bunsod ng ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ).
"Ganyan dapat ang mga hinahanap at dapat tulungan ng LGU kahit matanda na kumakayod pa din," lahad ng isang komento sa facebook page ng DSWD Region XII.
Gawa lamang sa pinatagpi-tagping yero at kahoy ang kanilang bahay na napulot nila sa kanilang pangangalakal. Nang matanggap ang ayuda, agad na binili ng mag-asawa ng bigas at iba pang mga pangangailangan sa bahay.
"Salamat at dapat talaga sila ang inuunang bigyan dahil kitang kita natin ang kanilang kaligayahan. God bless lola!" Ayon sa isa pang facebook user.
"So ngayon alam niyo na kung gaano kasaya ng makatanggap ng ayuda lalo na sa panahon ngayon na kailangang kailangan ng mga tao, kung lahat sana ng nangangailangan ay mabibigyan edi sana happy world ang Pilipinas, kaso iilan lang ang nakakatangap," dagdag pa ng isang netizen.
Pm po
ReplyDeletePm po
ReplyDeletexDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
ReplyDelete