Home »
» Lola, nakatanggap ng P100,000 mula sa DSWD sa kanyang 100th birthday
Lola, nakatanggap ng P100,000 mula sa DSWD sa kanyang 100th birthday
Tumataginting na P100,000 ang natanggap ni Lola Ernanita sa kanyang ika-100 na kaarawan mula sa Department of Social Welfare Development (DSWD) sa Padre Burgos, Southern Leyte.
Ito ay cash gift ng DSWD na alinsunod sa Republic Act 10868 o ang tinatawag na “Centenarians Act of 2016." Dadagdagan pa ito ng lokal na pamahalaan ng P10,000 bilang cash incentive para kay Lola Ernanita.
"Happy birthday po, sana lang lahat ng matatanda nabibigyan ng ayuda lalo na sa mga 'di nabigyan. 'Di lang po kasi iisang lola lang sa pinas na nangangailangan ng tulong," bati ng isang facebook user sa page ng DSWD.
Habang marami ang natuwa sa biyayang natanggap ng matanda may ilan na naglabas ng reklamo sa DSWD.
"Bakit kailangan pa maging 100 years old to avail this 100k pesos? Maeenjoy paba ni lola yan o iba pang seniors? Bilib din naman ako sa nag-isip nito pero bakit di rin gawin bracket na lang, let's say na 75, 85, 95 years old equivalent to any amount na pakinabang sa mga elders at least enjoy na enjoy pa nila lalo na middle lower income class down to poorest of the poor," sabi ng isang facebook comment.
Maliban kay Lola Ernanita, ang mga pamilya ng mga senior citizens sa Padre Burgos na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ay bibigyan ng isang sakong bigas mula sa lokal na pamahalaan.
Ako nga po single parent me tatlong anak at na lockdown dto sa magalang pamp
ReplyDeleteIsapo ako vendor na me maliit na tindahan at duon lahat namin kinuhuha pang araw araw namin at nangungupahan Lang kami dun.
Alang ayuda natangap po.
Ako nga po single parent me tatlong anak at na lockdown dto sa magalang pamp
ReplyDeleteIsapo ako vendor na me maliit na tindahan at duon lahat namin kinuhuha pang araw araw namin at nangungupahan Lang kami dun.
Alang ayuda natangap po.
Paano po ba makatanggap lola ko ng 100th year old assistance ?
ReplyDeletePlease i want to help her para sa mga meds nya.
Ako, po senior citizen at tricycle driver natanggap ko sa barangay na cash ang binigay ayuda 2k lang.galing sa LGU. Godbless.
ReplyDeleteYong father ko po 100 years old na rin WWll vet po. Bakit wala kahit bati sa mga mayor at gov ng aming province
ReplyDeletePaano po aq sa july pa ang start ng monthly pension .ni isang centimo ay walang natatanggap since na maglockdown,may ayuda ba aq buhat sa SSS. Marami pong salamat.
ReplyDelete