Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mahigit 100 katao, nadiskubreng tumanggap ng doble-dobleng ayuda mula sa SAP


Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Lunes (Mayo 18), na napag-alaman ng ahensya na mahigit 100 benepisyaryo ang tumanggap ng ayuda ng maraming beses mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.


Ayon kay Cezario Joel Espejo, DSWD-12 regional director, nasa 109 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa bayan ng Aleosan, Pigkawayan, Banisilan sa North Cotabato, at Bagumbayan sa Sultan Kudarat ang tumanggap pa ng tulong pinansyal para sa mga hindi miyembro ng 4Ps.

Sa kabilang banda, limang non-4Ps recipients mula sa Tantangan at Koronadal City sa South Cotabato naman ang tumanggap ng cash aid nang dalawang beses sa ilalim ng SAP.

Ayon kay Espejo, napag-alaman nila ang mga kasong ito sa pamamagitan ng isang application na ginagamit upang i-track at i-verify ang mga benepisyaryo ng SAP kasama ang kanilang mga pangalan, itsura at kumpletong adres.

Ang mga taong tumanggap ng doble-dobleng ayuda mula sa SAP ay maaaring kasuhan at ipakulong dahil sa paglabas sa Bayanihan to Heal as One Act (RA11469) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 25, 2020.
Share:

13 comments:

  1. dapat sa amin nalang yan kasi gutom na familya ko dito sa pasay

    ReplyDelete
  2. nkklungkot isipin na yung iba ngdoble, samatalang ang iba kahit peso wlang natanggap,šŸ˜”

    ReplyDelete
  3. dapat ilantad ang mga mikha nila pangalan para mapahiya sila sa ginawa nilang kasalanan di makatarungan ang pagiging abusado lalo na sa taong tumutulong

    ReplyDelete
  4. Repasuhin maigi ung mga listahan pra wlang madoble...

    ReplyDelete
  5. Tanung lang po ung una ayuda sa PUV driver ay nakatanggap na po ako pero nito lang nabalita na may 2nd ayuda pa ulit. Makakatanggap po ulit ngaun Ang PUV driver Kung meron po ay San banco po uli cya kukunin kc nun una ayuda sa Land Bank po pero Kung Wala na po ayuda Ang PUV ok lang po maraming salamat.

    ReplyDelete
  6. Nilagdaan nung Mayo 25? Future dated yung batas?

    ReplyDelete
  7. What a world... Paano ang mga nawalan ng business..? Wla ng source of income.. nganga na dahil wlang matanggap sa dswd n ayuda !!! Pinipili lng.. reason nla is may di-abroad daw kya d n kinatok ang bahay, hello po,ung mga nsa abroad po b e s a tingin ninyo hindi nagLockdown at hindi nawalan ng trabaho ?!? just asking !!!

    ReplyDelete
  8. Ako nga kailangan n ng mga anak ko ng panggatas eh

    ReplyDelete
  9. Tricycle driver po ako may asawang senior walang pension may tatlong pingaaral na anak Hindi ako nkakuha ng sap hirap npo kmi ngayon umaasa Lang sa pamamasada Sana matulungan ninyo kmi

    ReplyDelete
  10. May 21 palang po bat may 25 kmo pumirma si pangulo..

    ReplyDelete
  11. Dapat e check talaga ang mga nakatanggap nang dobleng ayuda kasi may mga taong d nabibigyan eh. Kami nga d binigyan kasi wala nadaw form eh kasi pinipili nila! Buntis ako sa pangalawang anak ko tapos walang trabaho asawa ko , umuupa pa kami. Sana mabigyan ang talagang nangangailangan!

    ReplyDelete
  12. ano yon sila lang magpakasarap samatala kami ay naghihirap baka siguro meron din yan dito manila..
    dapat ikulong nagtiis kami sila lang pagkakasasa hindi manlng sila ng isip na may ibang pamilya na kelangan ng din ng cash aid managot sila sa batas dapat ikulong. .mag invtigate din kayo dito sir dino dilg

    ReplyDelete
  13. HAZARD PAY NG ASAWA KO, 2400 NASAAN ANG KULANG HAHAHA NAGREKLAMO KME SAMEN PA GALIT! OINOST KO EH, NABUKING TULOY

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive