Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mambabatas, nais kanselahin ang klase hanggat walang COVID-19 vaccine


Naghain ng resolusyon si Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. upang kanselahin lahat ng klase mula pre-school hanggang college habang wala pang natutuklasang bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Nag-file si Gonzales ng House Resolution No. 876 upang himukin ang mga education agencies at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na huwag pahintulutan ang physical at face-to-face opening ng mga klase sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan kasama na rin ang mga vocational education at training.

Nais din ng resolusyon na suspendihin ng gobyerno ang implementasyon ng formal opening ng mga klase sa Agosto 24 na nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order No. 7-2020.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gonzales na bagama't may mga inirekomendang alternatibong paraan ang mga education agencies upang hindi magkaroon ng face-to-face classes, hindi pa rin ito posible sa mga lugar na mahihina ang telecommunications signal.

"With the growing COVID-19 threat... it is imperative that we take all precautions and preventive actions to protect our people from the disease," saad ni Gonzales.
Share:

30 comments:

  1. Suspend nlang po sana ang klase ksi hirap po isapalaran ang buhay ng mga bata

    ReplyDelete
  2. Tama po dapat kanselin ang klase dapat next year nlng

    ReplyDelete
  3. Tama po sang ayon po ako bilang isamg magulang at may 3 anak na nag aaral. Ayaw ko po din mapahamak o isubo ang aking mga anak sa darating na pasukan. Kaya maige na lamang na kanselahin ang buong taon ng klase .

    ReplyDelete
  4. Agree po aq n ikansela muna ang klase pra sa kaligtasan ng mga bata.

    ReplyDelete
  5. Ako din po kasi mahirap na sa sitwasyon natin ngayon lalo't wala pang vaccine sa disease na ito

    ReplyDelete
  6. agree po..pra iwas covid po..

    ReplyDelete
  7. Tama wala nlng pasukan n mangyayari, 3 rin anak ko, mahirap n isapalaran ang pag aaral makahintay yan pero ang magkasakit ng Virus 50/50 chances manyari nyan

    ReplyDelete
  8. Sang ayon po ako.. Kung san po mas makakabuti so mga bata ...

    ReplyDelete
  9. Hanggat walang vaccine di ko po papasukin anak ko.. ang pagaaral kht kelan pwede,,kht mgpaulit ulit ka pa,,pero ang buhay ng anak ko iisa lng po yan kaya dpt pahalagahan po..

    ReplyDelete
  10. Sangayon po ako no vaccine no class.3 din po ang anak ko mahirap isapalaran ang kalusugan ng mga bata.

    ReplyDelete
  11. No to school until no vaccine

    ReplyDelete
  12. Sang ayon din po ako n wag muna mag klase ang buhay isa lang dna pwedeng ibalik.. Ang pag aaral nanjan lang hindi nawawala... Kya vaccine muna bago mag back to school...

    ReplyDelete
  13. Sang ayon po aq sa qng ano ang nararapat..3 ang anak q at npakahirap sa tulad qng ina na malayo sa mga anak ang mag isip qng ok ba cla sa araw araw.

    ReplyDelete
  14. Sang ayon next year n Wala nman mawalala mas mahalaga kalusugan pede p nman nextyear

    ReplyDelete
  15. Dapat talaga meron munang bakuna bago magkaroon nang klase ang mga Bata kc impossible ang sosyal distancing jan sa kahit anong antas nang school Kaya delikado Para sa ating mga kabataan

    ReplyDelete
  16. vaccine first b4 classes start

    ReplyDelete
  17. Sana po magkaisa ang lahat na ikansela muna ang pagbubukas ng klase para sa kaligtasan ng ating mga anak.

    ReplyDelete
  18. Vaccine muna bago pasukan.

    ReplyDelete
  19. If ganun na ikansila Ang isang dapat alisin na Sana Ang grade 11 and 12 dahil Isa pa yang nag papahaba sa pag aaral Ng mga bata at pahirap sa mga magulang.

    ReplyDelete
  20. yes po sana wala na lng klasi ngaung taon ,virus ang kalaban dito kawawa ang mga anak natin dito please po may next year pa naman,

    ReplyDelete
  21. Yes po.sana ipagpaliban nalang pp sana muna ang klase sa sunod nalang kung kylan magkaroon ng vaccine...isa lang buhay ang ma anak namin an taon marami pa.

    ReplyDelete
  22. Buhay muna bago edukasyon, ang paaralan anjan lng yan d nawawala, khit uugod ugod n tau anjan prin yan, pro ang buhay isa lng wla ng replay yan...gaya nlng ng mga inosenting batang biktima ng #DENGVAXIA_VACVINE may nanagot bah....? Wla nmn dba...? Tas ngaun khit alam ng buong mundo n anjan p ang banta ng COVID papasukin nyo mga studyante...? Kya tamah lng n kanselahin muna....ang mga bata ay pag asa ng bayan ntin...wag nyo muna patayin....

    ReplyDelete
  23. Sang ayon po ako...no vaccine no classes☹️☹️☹️

    ReplyDelete
  24. Sana po kansel nalang kase kong ipatuloy ang ibang d mag aral maiwan...... sanal kansel para patas walng makapag aral ngayong .... SANA PO

    ReplyDelete
  25. cancel n lng po muna mahirap n bka yan p ang dhilan pra mawala mga anak q skin

    ReplyDelete
  26. Ako din Po Sana iurong nalang ang pagbubukas ng klase mahirap pong makipagsapalaran Lalo na kapag buhay Ang pinaguusapan...

    ReplyDelete
  27. I agree... No vaccine no class..

    ReplyDelete
  28. Wala pa taung vaccine no classes muna

    ReplyDelete
  29. yes po please no classes Muna ipaliban Muna hngt Wala pang vaccine..DHL mga Bata Ang kawawa at mga guro

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive