Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mambabatas, umapela sa gobyerno na isali sa SAP ang mga nasa GCQ areas


Nakiusap si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa adminitrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa mga mabibigyan ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ang mga mahihirap na pamilya na nasa general community quarantine (GCQ) areas.


Umapela si Rodriguez matapos maglabas si Executive Secretary Salvador Medialdea ng memorandum na nagsasaad na tanging  12 milyong pamilya na nasa enhanced community quarantine (ECQ) areas at limang milyon naman na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) lamang ang mabibigyan ng ikalawang distribusyon ng SAP.

“I am asking ES (Executive Secretary) Medialdea to reconsider his decision and include the low income households in the GCQ areas for the SAP’s second tranche this month," sabi ni Rodriguez.

Dagdag pa ni Rodriguez, kung lilimitahin ang second tranche ng SAP sa mga ECQ at MECQ areas, tanging mga mahihirap na pamilya lamang sa Metro Manila, ilang probinsya ng Luzon at dalawang siyudad sa Cebu ang makatatanggap ng ayuda.

“The poor in most provinces, who, like those in Metro Manila, were also without jobs and income during the two-month ECQ, would be excluded. I think that is not the intention of the President and Congress,” saad niya.
Share:

3 comments:

  1. Sana po kami mabgyn din kasi po nong una Di po kami nka tanggap bntis pa ako non pa balik2xpa. Nga po ako sa barangay para mag baka sakali pero wla pariN po nangyari kahit mainit non balik pariN ako ng balik kasi nag baka sakali pero wla talaga hanggang nangank nlang ako nong April 22 2020 hanggang ngayun nag makaawa po kami sa inyu sana po matulungan NIYO po kami marami po kami dtu Di nabgyn.. Oo nsa gcq na kami ehh pano namn po kami mkapag simula sa umpisa na ngayun palang po hirap na hirap kami tatlo po anak ko ang isa 2 years old Gina gatas kupa tapos ang isa 1month palang ka kapanganak ku lang a ditu pa yung kapatid ko na 9 at isa ku pang anak na 6 bali po apat po yung bata dtu wla na kaming makain sana po matulongn NIYO Po kami dtu..

    ReplyDelete
  2. Kuya will sana po manalo po ako,para may pangpagawa ako bahay,hirap na po kami nakikitira sa ibang tao,at sana natulungan nyo po kami dahil hirap po ako makapasok at wlang biyahe, inaasahan lang po namin relief at sa SAP,kaso wla dumarating sa amin ng tulong, #09751250716

    ReplyDelete
  3. Gud eve po.bukas hunyu 012020 kasali po bah 2nd sap angeles city brgy.blibgo may chance pba cila mkakuha ng ayuda dis month of june?salamat po at sana sagutin nyo po tanung ko.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive