Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga GCQ area hindi na makakatanggap ng ayuda sa 2nd wave ng SAP


Ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay hindi na kasama sa listahan ng mga makakatanggap ng ayuda sa second wave ng Social Amelioration Program (SAP), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Martes (May 12).


Sa isang press briefing, sinabi ni Roque na dahil sa limitadong budget mula sa kongreso, tanging mga lugar lang na may enhanced community quarantine (ECQ) ang makikinabang sa susunod na distribusyon ng cash aid mula sa SAP.

"Sa unang buwan, lahat ng nasa ECQ may ayuda. Sa pangalawang buwan, ang mga nasa ECQ lamang ang may ayuda, wala na pong ayuda 'yung mga nasa GCQ area," paglilinaw ni Roque.

Dagdag pa ni Roque, 23 milyong pamilya na ngayon ang benepisyaryo ng unang wave ng SAP matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang limang milyong pamilya alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).

Una ng sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang second wave ng SAP ay maaaring ipamahagi sa May 20 o mas maaga pa sa mga lokal na pamahalaan na nakapagsumite na ng kumpletong liquidation report ng unang implementasyon ng programa.
Share:

27 comments:

  1. sana nmn po kht nasa GCQ na mabigyan pa rin po ng 2nd tranche lalo na po ung lactating mother na ang mga aswa ay isang construction worker po. lalo na may paparating po na bagyo.. di po namin alm kung saan po kukuha dahil matagal din po ndi nkpag trabaho aswa ko, sna nmn po piliin ung tlgang nararapat na mabigyan.kc ang sabi po 2mos ung ibbgay sa mga katulad po namin na mahirap malaking tulong po un samin lalo sa mga anak namin ang bunso ko po 4mos old pa lang ang panganay ko po 4years old.. sana po mbsa nio ang comment ko slamt po and GOD BLESS PO..

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga po kahit gcq,mabigyan pa dn panu naman po ung katulad namin na naasa sa kita ng pamamasada na 3 beses lng pwde umarangkada sa pilahan ng todaat iisa lng ang sakay plus gasolina pa.

      Delete
  2. Sna nmn po khit GCQ n mbigyan p rn.lalo n s mga single mother at lactating p n wla nmn regular n trbho..hnd nmn po lhat mkkblik s dting trbho dhil limitado lng ang lhat n mkkblil s trbho..gaya ko n collector lng ng bumbay..hnd nmn kmi agad mkkpag ikot.pano n lng..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka po sana khit gcq ksama p rin kc hnd nmn po kgad aayos ang lahat lalo na sa mga lugar n gcq nga pro apektado p rin dahil sa mga travel ban...

      Delete
    2. Kasi ako din po single mother apat anak ko lactating mother dn po kasi 6months old plng bunso ko gcq n kami ngayon pero halos walang nabago katulad ng ecq..

      Delete
    3. Sana kahit GCQ MAY 2ND WAVE PARIN NA MATANGGAP KASI HINDI PA TOTALY OKAY EH, WALA PARIN TRABAHO, KASI DPA PWDEMG DUMAAN SA IBANG LUGAY LIKE DITO SA AMIN LAPU2X, AT SA MANDAUE AKO NAG TATRABAHO SO AS IN HIRAP TALAGA, KN PPWDE SANA MAGBIGAY PA NANG 2ND WAVE,

      Delete
    4. MR PRESIDENT BAKIT PAG GCQ AYAW NANG BIGYAN?DNAMAN MADALING BUMAMGON GALING PA TAYO SA SOBRANG HIRAP EH, KATULAD DITO SA LUGAR KO SA LAPU2X GCQ NA SANA PERO HINDI PA AKO MAKAPAG TRABAHO, DAHIL ANG MANDAUE ECQ PA SO PAANO AKO MGTATRABAHO AT SAAN AKO KUKUHA NANG PAGKAIN MR PRESIDENT, MARAMI DITO ANG NAHIHIRAPAN PA ONLY IN LAPU2X LNG ANG SASAKYAN HANGGANG LAPU2X LANG NAMAN ANG PWEDENG MAKAPAG TRABAHO, PLEASE PLEASE MR PRESIDENT MAAWA KA NAMAN IBANG TAO, SANA MABASA MO ANG MGA MESSAGE NAMIN, GOD BLESS

      Delete
    5. Sana nmn kht gcq na kme mabigyan pa din kelngan din PO nmen Ng PNG gastos sa PNG araw araw lalo Nat single mother Ako.

      Delete
  3. sana nmn po kht nasa GCQ na mabigyan pa rin po ng 2nd wave lalo na po ung lactating mother na ang mga aswa ay isang construction worker po. lalo na may paparating po na bagyo.. di po namin alm kung saan po kukuha dahil matagal din po ndi nkpag trabaho aswa ko, sna nmn po piliin ung tlgang nararapat na mabigyan.kc ang sabi po 2mos ung ibbgay sa mga katulad po namin na mahirap malaking tulong po un samin lalo sa mga anak namin ang bunso ko po 4mos old pa lang ang panganay ko po 4years old.. sana po mbsa nio ang comment ko,kaht po naka GCQ na po dto samin marami pa rin po ang hirap kumita dahil ung iba di pa rin nmn po makapasok sa trabaho kagaya po ng aswa ko construction worker. may anak po kami 2 4years old at 4mos old po lactating mother po ako.. sna nmn po ung tlgang nangangailngan na mhirap mabigyan pa rin po..

    ReplyDelete
  4. hindo nmn po un pd kasi khit GCQ na ,,eh wala pdin work ung iba ,,tapos mgdadatingan pa ang mga bayaran tapos ung iba Sa Manila ang Work. db po nkalAan na yan ng dalawang buwan tas ngaun limitado bigla. ano po un.. Sabi po ng pangulo db .2buwan un .dp na aannounced na GCQ ..san napunta un pondo

    ReplyDelete
  5. Paano po namn yan kaht namn po naka gcq na kami ehh ang kabuhayan at trabaho ng aswa namin ehh nsa manila paano namn po kmi

    ReplyDelete
  6. Gcq nga tanong nakakapagtrabaho nb Sana naman po yun na Lang last wave na yun dami Di makakabalik sa trabaho hay naku buhay mahirap na nga po sitwasyon magkakaroon pa ng bagyo

    ReplyDelete
  7. Sana po makatngap pa din ng 2nd tranche yung nabigyan ng 1st tranche kahit na nsa gcq na ag lungsod ng bacolod.kasi nangangailangan din kami dito ng ayuda gutom na pamilya nmin.lahat ng tao dito s bacolod city umaasa na mabigyan pa hindi parin nman makakaalis ng bahay ang walang hqp at makabalik agad s trabaho ag iba at mkakasahod agad.sana maging patas naman kayo samin.diba sabi ni pangulong duterte april may yung budget naibibigay niyu samin.sana po maipamahagi niyu samin ag 2nd tranche.

    ReplyDelete
  8. Unfair po talaga,,dapt may ayuda parin khit gcq na kmi dto sa antipolo,, papano nmn po kming mga pumapasok sa spa,,ndi na nga kmi nasali sa SAP,, WAla png dole,, mamatay nlng kmi sa gutom, kung WAla ng ayuda,, maawa nmn po kayo,, dapt Yong nabigyn na noong una wag ng bigyn doble tulong na Sila,, pano nmn kming WAla,, papatayin nyo nlng ba kmi sa gutom,? Dswd,, dilg,, at presedent duterte maawa nmn Kyo sa tulad nming no work no pay,,

    ReplyDelete
  9. Sana po mbgyan pa rin po ang GCQ ng second wave lalo na po kming mga lactating mother 2mnts plng po bunso nmin tas construction lng po trabaho asawa ko eh wla po work ngayon llo pg umuulan salamat po ng marami

    ReplyDelete
  10. Sana po mabigyan parin ang lugar na NASA GCQ ng second wave trycicle driverpo asawa ko Hindi pa rin naman pwede sya mamasada kase pang gabi lang sya pwede bumiyahe,

    ReplyDelete
  11. Nkuha ung 1st sap april 23 late na po naibigay. Na gcq kme ng may 16 sna makapasok padin na mabigay ang 2nd sap. Paano makakarecover at mga bayarin na bills lalo pag single parent

    ReplyDelete
  12. Sana, mabigyan kaming mga senior, apektado tlaga dahil hindi makalabas, sa tax nmin noon nanggaling ang perang naipon ng gobyerno.

    ReplyDelete
  13. Sana po mabigyan parin po kming nsa GCQ na kasi po tulad ko isang kasambahay lsng ang trabaho ko.tpis ang asawa k po.wla parin maging trabaho at wala pang tubig mga palayan isa lang po da nkikilabor ang asawa ko.pareho po kmi.wla pang mpagtrabahuhan dahil da hndi p mkakilos ng maayod wlsng byahe para mkapagtrabaho uli panu npo kmi.kya sna mbigyan uli.kmi.sa.psngalawang ayuda khit nsa GCQ n po kmi.

    ReplyDelete
  14. Kya nga gcq na tyo pro hndi pa na tyo mka trabaho agd ska wla pa tyo shud kwawa din tyo kc ying natin uminum na lng tbig wla na png bli gtas

    ReplyDelete
  15. Sana makakuha din ang nasa ilalim ng gcq kasi katulad ko na ang asawa ko hindi makapunta ng davao city. Kc bawal. At 3 months napong walabg trabaho.. Sana po makatanngap kami.. Kc hindi lahat ng nasa ilalim ng GCQ ..ay naka trabaho na.

    ReplyDelete
  16. Sana po kami mabgyn din kasi po nong una Di po kami nka tanggap bntis pa ako non pa balik2xpa. Nga po ako sa barangay para mag baka sakali pero wla pariN po nangyari kahit mainit non balik pariN ako ng balik kasi nag baka sakali pero wla talaga hanggang nangank nlang ako nong April 22 2020 hanggang ngayun nag makaawa po kami sa inyu sana po matulungan NIYO po kami marami po kami dtu Di nabgyn.. Oo nsa gcq na kami ehh pano namn po kami mkapag simula sa umpisa na ngayun palang po hirap na hirap kami tatlo po anak ko ang isa 2 years old Gina gatas kupa tapos ang isa 1month palang ka kapanganak ku lang a ditu pa yung kapatid ko na 9 at isa ku pang anak na 6 bali po apat po yung bata dtu wla na kaming makain sana po matulongn NIYO Po kami dtu..

    ReplyDelete
  17. Dpat pati rin na s GCQ mbigyan ng 2nd tranche dhil kming nsa gcq wala p rin imcome katulad naming mag asawa nanahi kmi ng bag... S divisoria p bnibili ang materiales namin tpos ung maliit n puhunan namin n gastos n namin s pang araw.. 7 member kmi s loob ng bhay... Kya sana po mahal n president isama nyo kming mga nasa gcq dahil n ngangailangan din kmi walang wala n rin kmi..

    ReplyDelete
  18. How about po
    Two months ng ecq ang lugar namin yung unang transact ng sap o first wave ay nung may 3 pero sa inang buwan yun diba ei ng two months po ecq ngayun extended ng gcq
    Makakarecieve pa po b ng sap kami sana oo dahil naabut kami ng pn two months ng ecq n hngang ngayun wala pa pong trabaho

    ReplyDelete
  19. Ang sbi nung nkaraan kahit panu may mtatangap p ang mga nsa gcq...bkit binawi n ng tuluyan...pano nmn ung ibang nsa gcq n pero d p rin mkapg work dhil d pa ngooperate ung company nila...kawawa nmn lalo mga ngpapagatas n magulng..sana khit panu man lng ei meron p rin..

    ReplyDelete
  20. Sna nga po totoo ung mga sbi sbi n may 2nd wave p n darating mas matindi tag hirap ngaun kahit GCQ n wla work wla mapasukan asawa ko s maynila sya pumapasok hanggang ngaun wlang tawag s work nya

    ReplyDelete
  21. Gud day poh s ating lahat.. Sana naman poh lahat kming mga naghihintay mg 2nd wave n ipapamahagi ng dswd ay sana naman poh ang matxt i matawagan.. Sapagakat kht poh GCQ n uala p rin pong trabahao ang aking mister..halos laht poh ngayon ay uala p pong mga trabaho kaya sana poh lahat kmi ay mabiyayaan n ng ayuda.. Lahat nmn poh teuh kht nasa GCQ area n eh naghahanp n ng work para s poh may maipakain s ating mga pamilya. Ang prob naman poh halos lahat uala pong mapasukan.ung iba nag hihire naman ang kaso uala naman pong pang requirements.. Kya sana poh lahat poh kming mga naghihintay ng sap lahat mabigyan poh para may pang tustus at pang requirements man lng poh.. THANK U AND GODBLESS POH

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive