Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga Pilipino umaasa sa magandang buhay hatid ng Balik Probinsya program


Marami ang umaasa na magbubukas ng mas magandang oportunidad ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2) sa mga tumatamasa ng hirap sa siyudad at nagnanais na umuwi sa kaniya-kaniyang  lugar sa bansa.


Tulad na lamang ng 40 taong gulang at isang construction worker na si Fernando Castiller na determinadong makabalik sa kanyang probinsya sa Palo, Leyte sa pag-asang mabibigyan siya ng programa ng magandang pagkakataon upang muling makapagsimula ng pamumuhay.

"Malaki inaasahan ko sa program kasi dito mabibigyan kami ng pagkakataong magkaroon ng sariling pagkakakitaan 'pag nasa probinsya na tapos, at least kasama pa 'yung pamilya," lahad ni Fernando na kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.

Tulad ni Fernando, magandang buhay din ang inaasahan ng 17 taong gulang na si Diana Mae Rose Manabik na taga Las PiƱas. Ayon sa kanya, mahirap ang pamumuhay sa Maynila lalo na  para sa kanyang mga magulang na kumakayod bilang street vendors sa lungsod.

"Madalas po kasing nanonood ng balita si mama, tapos nalaman niya po na may ganung programa ang gobyerno," kwento ng dalaga na Grade 11 na ngayon.

Ang BP2 ay programang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng coronavirus pandemic upang bawasan ang populasyon sa mga matataong siyudad at magbigay ng bagong oportunidad kahit pa sa mga malalayong lugar ng bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive