Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Nagsugal at nag-inom gamit ang ayuda, kasama pa rin sa 2nd wave ng SAP


Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes (Mayo 28), na bagamat ipinangsugal at ipinangbisyo ng ilang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ang natanggap nilang ayuda, kasama pa rin sila sa listahan ng ikalawang distribusyon ng emergency subsidy.


Ayon kay DSWD secretary Rolando Bautista, hindi dapat madamay ang buong pamilya na nangangailangan ngayong may krisis sa pagkakamali na nagawa ng isang miyembro nito.

"Nakakalungkot po na may mga ganyang gawain, pero ang pagkakamali po ng isang miyembro ng pamilya ay hindi po dapat makaapekto sa ibang miyembro ng pamilya na nangangailangan," sabi ni Bautista sa isang virtual presser.

Paliwanag din ni Bautista, ang mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program na nakatanggap din ng SAP subsidy ngunit ginamit ang ayuda sa bisyo at iba pang ilegal na gawain ay sasailalim sa isang sesyon kasama ang mga case management officer.

Pakiusap nya sa mga tatanggap ng ayuda, huwag na sanang gamitin sa masama ang makukuhang tulong pinansyal at sa halip ay ilaan na lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya ng pagkain at gamot.
Share:

1 comment:

  1. Yung mga lugar po ba na under GCQ na ay makakatanggap prin po ba?

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive