Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pamilya ng mga repatriated OFW dahil sa crisis, kwalipikado sa SAP ng DSWD


Ang mga pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFW) na naapektuhan ng coronavirus pandemic ay maaaring makatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Sa isang pahayag noong Linggo (May 10), sinabi ng DSWD na ang mga OFW ay kabilang sa mga "vulnerable" sector na lubos na naapektuhan sa implementasyon ng lockdown dulot ng pandemic.

Ang mga OFW na napauwi ng bansa dahil sa pandemic at ang mga pamilyang hindi pa napapaldahan ng pera ng mga OFW ang sinasabing pasok sa SAP ng DSWD.

Ang mga ito ay maaaring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang baranggay upang mapabilang sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda mula sa SAP.

Paalala ng DSWD, kailangan munang beripikahin ng mga opisyal ng baranggay kung "no work, no pay" ang status ng OFW at kung ito ay hindi pa nakatatangap ng kahit na anong cash assistance mula sa gobyerno gaya ng sabsidiya mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Share:

5 comments:

  1. Ako Po Isa ako ofw na Hindi n nkabalik sa Saudi DHL sa covid 29 ngyn anddto pa dn sa pinas no work no pay Po ako mkktanggap Po b Ang isang tulad ko single mother Po ako

    ReplyDelete
  2. Isa din po ako SA Hindi nka lipad puntang middle dahil SA covid19 tulungan nyu nman po ako stranded pa kmi dto SA manila , no work po ,

    ReplyDelete
  3. Good day sir/maam sana nman po katulad kong nanay na nawalan ng trabaho/ stranded dito sa pinas sana mabigyan nyo ng pansin... matulungan kmi ng mga anak ko... wla aq natanggap na DOLE AKAP SA OWWA.. PLease need help.. 09658953226

    ReplyDelete
  4. Ako po ofw de-stress pero Hindi ako nabigyan ng anomang ayuda. Tao rin Kmi nagugutuman may mga ank n may panggailangan lasagna rin kmi sa lock down. Mahal n pangulong duterte sana mabigyan ako ng tulong pangkabuhayan grocery masaya.n ako magkaroon ng laman ang aking sari sari store makasuporta sa aking pamilya. 09493974397.salamat po

    ReplyDelete
  5. Madam and sir Sana matanggap ko n aking ofw financial assistance dole akap owwa.mabigyan sana nyo ng tulong pang kabuhayan. Wala po akong natanggap ng anumang ayuda

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive