Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pagbubukas ng klase sa Agosto 24 at enrollment sa June 1, pinayagan na ng Palasyo


Tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 ayon sa Malacañang, Miyerkules (Mayo 27), sa kabila ng pangamba ng nakararami na maaaring maisakripisyo ang kaligtasan ng mga bata lalo pa at wala pang bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).


"Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24: ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face [classes] o blended," sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Una ng sinabi ni Roque na pahihintulutan lamang ang face-to-face classes sa mga lugar na wala na sa ilalim ng community quarantine sa pagsisimula ng klase.

Samantala, ang mga nasa community quarantine pa rin bago pa man magsimula ang pagbubukas ng klase ngayong taon ay sasailalim sa "blended learning" na kung saan gagamit ng internet, radyo, at telebisyon sa pag-aaral ang mga estudyante.

Dagdag pa ni Roque, tuloy ang enrollment sa Lunes (June 1) na maaaring gawin online o sa pamamagitan ng pisikal na pagpunta sa mga paaralan.
Share:

7 comments:

  1. Isa akong magulang mahal q ang mga anak q, pano nlng pag may mangyari sa kanila maibabalik m ba ang buhay nila mahirao mawalan ng anak

    ReplyDelete
  2. Bkt Pina registered pa kami online Kung Wala naman na pala kami inaasahan pa gcq nga kami UNG UNG namang lugar na mapupuntahan ng mister ko hard lockdown naka padlock pa Ang gate ng suvdevision uwi sya nga nga padin wala psdin nangyayari na lakad jya dipo ba pls po icpin nyo naman kami na mga no work no pay kahit naka gcq na Ang lugar UNG namang lugar na pag tatrabahuan hard lockdown pa din un Lang po maraming salamat po at pasinsya na kau gud day

    ReplyDelete
  3. Pwde po bang 2session ang klase sa isang room pra may social distancing ang mga bta merong umaga at hapon,kysa internet Kasi Yong iba po wlang cellpon ,wlang internet .iba tlga Yong turo ky sa online .slamat po

    ReplyDelete
  4. tama marmi sa atin ang wlang cp..internet tv radyo...ang dapat gawin dyan face to face sa bahay..kc need tlga ng mga bta ang mg aral pra po tuloy tuloy ung knilng pgpasok..yon lng po at slmat

    ReplyDelete
  5. we participate ecq at gcq kasi ayaw namin mahawaan sarili namin at lalong lalo na mga anak namin...ngayong alam namin hindi pa safe sa Pilipinas at sa buong mundo...Pinapatupad na ang Pasukan Ngayong Agusto..
    Kahit May Gamot o Vaaccine Pa, Kapag Nahawa Ka Sasagutin Ba ng Governo Lahat.ng Gastusin Ng Ospital or Libre Ba Yong Vaccine Para sa Mag Nahawaan ng Covid!?

    ReplyDelete
  6. Sabhin na lang ang totoo if face to face na ang klase ngaung agosto 24..para mapaghandaan na...

    ReplyDelete
  7. Sabhin na lang ang totoo if face to face na ang klase ngaung agosto 24..para mapaghandaan na...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive