Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pilipinas, nasa 2nd wave na ng COVID-19 ayon kay Duque


Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang Senate Committee of the Whole Hearing, Miyerkules (Mayo 20), na kasalukuyang ng nagaganap ang "second wave" ng pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.


Paliwanag ni Duque ang "first wave" ng outbreak ay nangyari na noong pang Enero nang makapagtala ang bansa ng mga imported na kaso ng sakit.

"Actually nasa second wave tayo. 'Yung first wave nag-umpisa, batay po sa ating mga batikang epidemiologist, na ang first wave natin happened sometime in January—noong nagkaroon po tayo ng tatlong kaso ng mga Chinese nationals from Wuhan," sabi ni Duque.

"'Yun po ay kinikilalang first wave, maliit lang na wave ika nga. Pero ngayon nasa second wave tayo," dagdag pa niya.

Bagama't patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, saad ni Duque, patuloy pa rin ang preparasyon upang maiwasan na ang pagdami ng mga nahahawa ng sakit.

Base sa tala, kahapon (Mayo 19), sumampa na sa 12,942 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Nasa 2,843 na ang gumaling habang 837 na ang pumanaw mula sa sakit.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive