Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

PNP at AFP, mangunguna sa distribusyon ng 2nd wave ng SAP sa halip na LGU


Inanunsyo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Rolando Bautista, na police at military officers na ang mangunguna sa distribusyon ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP), sa halip na ang mga local government unit (LGU).


Ayon kay Bautista, nakipag-ugnayan na ang DSWD sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa distribusyon ng SAP subsidy sa 23 pamilya na kabilang sa informal sector alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Meron na kaming initial coordination sa liderato ng AFP at saka PNP para makatulong sila sa pagbibigay ng ayuda, lalong lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas,” sabi ni Bautista sa isang taped meeting kasama ang Pangulo,  Martes ng gabi (Mayo 19).

Dagdag pa ng kalihim, ang distribusyon ng ayuda mula sa second tranche ng SAP ay isasagawa na sa pamamagitan ng online payment method upang maiwasan ang physical contact ng mga benepisyaryo maging ng mga awtoridad.

“Ine-expect natin na since merong mga remittance centers, may mga bangko, sa mga highly urbanized cities ay mapadali nating maibibgay ‘yung ayuda sa mga benepisyaryo,” saad ni Bautista.
Share:

27 comments:

  1. Pano po yung naka fillup ng online sap po pero wala po nkhit ano account at OK din po ba gnmit na gcash ng mama ko eh regester na po sa gcash pati po number nya sana po masagot nyo salama

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede po yun maam basta po kapamag anak nyo o kaya alam po ng may ari ng gcash acct.

      Delete
    2. Pano po kapag hindi nakapag register sa reliefagad app po pano po ?

      Delete
    3. paano po kaming Hindi nakarehistro sa relief agad?

      Delete
  2. Kami walang natanggap kahip piso dalawang buwan na kami walang trabaho dito cebu ni sa sap dole at sss walang natanggap pano na mga anak namin walang kaming trabaho sana patas lahat mabibigyan ng ayuda

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ma'am kami po dito sa pau calulut San Fernando pampanga buntis po ako ne lista po ako pero nung namigay na nang form d Kali binigyan kasi nangungupahan LNG daw kami wala na po kami makain dito walang kamaganak sana matoonan niyo nang pancin

      Delete
  3. Yong mga nakatanggap ba SA unang ayuda hndi n pweding bigyan ulit?? AT my mga Naga Didi n anak at my PWD N MGA ANAK?

    ReplyDelete
  4. nka tanggap aqu SA unang ayuda single mom at my tatlong anak ung dalawa Naga Didi pa Ang Isa ay isang PWD ... Dina PO ba aqu pwedi SA pangalawang ayuda? ask Lang POšŸ˜”thank you!

    ReplyDelete
  5. DAPAT DITO SA PASAY CITY MABIGYAN DIN PO SANA AKO KASI NO WORK NO PAY KAMI TAPOS MAY ANAK PA AKO DITO SOBRANG TIPID NA GINAGAWA KO PARA MAKAKAIN LANG ANAK KO NG TAMA PERO SANA PUNTAHAN NIYO NMN KAMI DITO SA BRGY:145 ZONE 16 MULAWIN STREET BLOCK 7 LOT 5

    ReplyDelete
  6. Paano po ba yong hindi pa po nakakuha nga sap? May pag asa po bang makakuha? No work no pay ang asawa ko. May baby po akong 19months old.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwd po anak ko pero di nakakuha sa SAP di po ba prior
      ity dapat cla. ..

      Delete
  7. Ndi po aq nkasma sa 1st trance .. No work no pay po ang asawa q .. Carwashboy po work nia nalmpasn p bhay nmn .. Nakapagpalista po aq ngaun sa brgy para po sa 2nd trance .. Tama po ba ang ginawa q

    ReplyDelete
  8. Hello po.. ask ko lng po kng 2nd wave po b yan?.. kz po no work no pay po asawa ko..

    ReplyDelete
  9. Kng 2nd wave po yan pano po kmi mkkpgregister eh kinuha po nla ung 2nd copy po ng papel nmin..

    ReplyDelete
  10. Sana mabigyan naman kami... May binubuhay din naman kami...

    ReplyDelete
  11. ako din po Hindi po nakatanggap single mom po ako.sa lahat ng nabanggit sa taas. private employee. wala napo ba pag ASA na kami mga kasamahan sa trabaho na Hindi makatanggap?

    ReplyDelete
  12. Paano ko malalaman kung nagdeposit na sila sa bwnk account ko

    ReplyDelete
  13. Too Po bng ung mga NASA gcq area eh Hindi na Po mabibigyan s 2nd wave NG sap at paano if paymaya ung piniling method of receiving tapos nauna ung pag sign up online tas late n nkagawa NG paymaya account acceptable p rin Po Kaya un?

    ReplyDelete
  14. Sa 135 Lower Gulod ako na ngupahan. At marami Kaming hindi nabigyan ng form SA president ng association dito
    Kasi ang sabi ng president ng association mga membro lang nya ang kanyang bibiyan
    Bakit member lang nya SA lockdown kasama Kaming mga na ngupahan
    Sana sir nabigyan mo Kaming na ngupahan. Pumunta ako SA Barangay Sauyo . At nilista lang ng paulit ulit wala na mang from na binigay
    At ang president dito SA Lower Gulod kinuhaan Kami ng Zeror copy ng aming ID na may 3 signatures. Akala namin nakatanggap kami pero wala pala
    Kailangan ko ang ayuda sa governo kasi wala akong trabaho at na stranded ako dito sir. Natakot akong lumabas dito Kasi marami ng positibo SA covid19. God bless po and stay safe

    ReplyDelete
  15. Magandang araw po ask kopo kung totoo po ba na kasama po ngayong 2nd batch mabibigyan ang mga nabigyan ng 1st batch? Salamat po at God Bless po sa inyong lahat.

    ReplyDelete
  16. Kami po dto sa saint mary st. Cubao quezon city mrmi p po kming dp nkktngap ng sap form ngplista nmn po kmi nung una pero dp rin po kmi nbgyn kc nnguphan lng daw po kmi mga my ank po at krmihan po mga solo prent rin at mga no work no pay po kmi my mga bnbuhay rin po kming pmlya n umaasa smin sn po ksma rin kmi ngyun po 2nd wave

    ReplyDelete
  17. Sana po mkatngap n po kmi ng ayuda khit po wla kming form dhil wla nmn po ngpunta n dswd smin solo prent po ako my 3 ank at ngwork lng po ako dto sa cubao sa cnteen po at ako lng nmn po ang inaashan ng aking mga ank sn po isama nyo rin po lhat ng dp nkktngap nuong una bgyan po ng ayuda kgit po sna wlng form bgyn nyo po kmi dhil ngugutom rin po ang mga mhal nmin pmilya

    ReplyDelete
  18. Paano po magpill up ng SAP form online wala po kaming work at naubos na po ang ipom namin...unti unti ng dumarating ang mga bayarin nmin,sana po matunlungan nyo kami...

    ReplyDelete
  19. Nkakuha kmi ng una sa second wave b myroon pa po kc po dami nmin sa bhay po hirap n sa pagkain saan kkuha

    ReplyDelete
  20. Hindi ako nakatanggap kahit piso dalawang buwan na wala ako work mula mag ECQ hangang ngaun wala parin natanggap.wala parin work

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sjdm bulacan...
      PWD anak ko pero di kmi nakakuha sa SAP driver asawa ko tagal din n nahinto...bk po pwede PWD nman priority cla di ba?

      Delete
  21. Sna po sa Amin din khit pamasahe lng pauwi Ng mynila wlang wla Napo aq

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive