Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte, hindi papayagang magbukas ang klase hanggat walang COVID-19 vaccine


Mariing sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address, Lunes (Mayo 25), na hindi ito sang-ayon sa pagbubukas ng klase hanggat wala pang natutuklasang bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Sabi ng Pangulo, "useless" o walang saysay upang pag-usapan ang pagbabalik sa klase ng mga mag-aaral lalo pa at tumitindi ang krisis sa bansa.

"It’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin, bakuna muna. 'Pag nandyan ang bakuna, okay na. Remember that," saad ng Pangulo.

"I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit iyang mga bata na ‘yan. Bahala na hindi na makatapos... Unless I am sure that they are really safe... Para sa akin, bakuna muna," dagdag pa niya.

Noong Abril 30, una ng sinabi ng Department of Education (DepEd) na opisyal na magbubukas ang klase ngayong taon sa Agosto 24 ngunit hindi nangangahulugan na magkakaroon ng physical classes ang mga mag-aaral.
Share:

15 comments:

Popular Posts

Blog Archive