Pres. Duterte, planong magbenta ng gov't properties para sa 2nd wave ng SAP
Planong ibenta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa mga ari-arian ng gobyerno upang madagdagan ang pondo ng Pilipinas sa pagtulong sa mga naapektuhan ng krisis ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Nabanggit pa nga niya na magsisimula na siyang magbenta ng mga propriyedad ng gobyerno at mayroon pa siyang isang nasabing property, ayaw ko munang isapubliko, ‘no. Pero sabi niya, iyon siguro ang sisimulan nating ibenta para maibigay sa ayuda,” sabi ni Roque sa isang radio interview.
Ayon pa kay Roque, P50 billion ang kinakailangan upang mabigyan ng tulong pinansiyal ang 23 milyong pamilya na benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno kung kaya patuloy ang paggawa ng paraan ng Pangulo sa paghahanap ng pondo.
Noong nakaraan, una ng inamin ni Pangulong Duterte na paubos na ang pera ng gobyerno para sa coronavirus response ng bansa. Dahil dito inatasan niya ang economic team na maghanap ng iba pang mapagkukunan ng pondo upang matulungan ang mga low-income household at iba pang sektor na nalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.
Binanggit din ng Pangulo ang posibilidad na ibenta ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center, at ilang pang ari-arian na malapit sa Manila Bay.
Inutusan na rin ng Presidente si Budget Secretary Wendel Avisado na i-realign ang ibang pondo upang matustusan ang second tranche ng SAP ngayong buwan. Nakikipag-ugnayan din ito sa kongreso sa paghahanap ng additional fund sa financiap aid program.
hindi ako pabor Jan oo maganda adhikain nya n tumulong pero Hindi nmn po talaga nakakarating sa totoong hihirap.example magulang senior at may anak pa ako PWD pero Hindi naman qualified. ..kaya wagna lang malabas ng pera kasi yayaman lng ung mga leaders jn...
ReplyDeleteOo tama yayaman lng cla dyn tsk tsk
DeleteSana po ang mabibigyan yung nangangailangan talaga,kagaya ko ,single parent at no work no pay ,at wala pa ako natanggap kahit isang wave man lng....please po
ReplyDeleteSana bigyan ng pangalawang ayuda yung hindi nkatanggap nung una.unfair nman lalo n yung n yung nagbabayad ng buwis n ngyon no work no pay.
ReplyDeleteTama po kayo. Sayang yong buwis natin tapos di pala qualified.
DeleteChina na nman mkikinabang jan dahil matagal ng gustong bilhin ng China yang lugar malapit sa manila bay like Picc dahil gusto gawin ng china tayuan ng mga condo or business entertainment amusement like casino,,wag na ibenta yan wala din nman dumarating na tulong pili lang nbibigyan
ReplyDeleteKurapin lang ng mga nkaupo yan simula sa baba
ReplyDeleteKwawa nmn pinas
ReplyDeleteDoor to door n lng po ung ibigay n ayuda wag ng idaan sa barangay or dswd
ReplyDeleteIbe2nta nyo pra sa ayuda wag nyo ng ibenta yan para walang ayuda para parepareho aq ngang no work no pay walang ntanggap eh pinili lng ang nbigyan wag na kaung mgbenta para parehong gutom lahat kesa ung iba mki2ta mong gutom at ung iba nagpa2kasasa sa ayuda
ReplyDeleteWagna makurap din lang
ReplyDeletesana mka sali kami kahit peso wala kaming natangap, kapus na lalo pa ngayon pa alisin na kami sa ni rentahan namin kasi gawin itong commercial space,wala kaming pang bayad sa down payment..no hope na.
ReplyDeletePray lang tayong lahat Kay god para mawala ng covid sa bansa nation.
ReplyDeleteSana wagnalang magbenta Kasi paliit Ng paliit Yung ating manga pag kukuhanan Ng income sa pagdating Ng panahon.. carry naten to lahat magdasal at manalig Lang tayo SA DIOS para sa ikabubuti sa ating lahat... Wagna magbunta pa Ng Ari Arian Ng government property sir oh Mr President du30, thank yo po Sana wagniyonang pag isipang magbenta dahil kawawa na tayo Kung mapunta pa iyan sa sa ibang nilalang Ang ating Manga kayamanan dito sa pilipinas.lalo tayong liliit manga pilipino Kung magka gayon, Sana wag atenlang Ang ating property
ReplyDelete