Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Quarantine pass, hindi na kailangan sa mga GCQ area simula June 1


Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG), Huwebes (Mayo 28), na hindi na kailangan ang quarantine passes sa tuwing lalabas ang mga nasa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula Hunyo 1.


"If an LGU (local government unit) is now under GCQ, no need for barangay quarantine passes because hindi na lockdown," ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa isang text message.

Dagdag ni Malaya, bagama't niluluwagan na ng gobyerno ang quarantine protocols ng bansa, maaari pa ring mag-utos ang mga LGU ng localized lockdown kung kinakailangan.

Kung magba-byahe naman, sinabi ni Malaya na kailangan pa ring magpakita ng travel pass mula sa Philippine National Police (PNP).

"Moving from one province to another, and one region to another, kailangan pa rin ng travel authority from PNP," saad niya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive