Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Renewal ng passport sa Taiwan umaabot ng higit sa 3 months dahil sa pandemic


Maraming overseas Filipino workers (OFW) and naeexpire and passport na hindi narerenew natatangap ang passport dahil sa pandemic, kasama na dito ang restriction sa ating bansa para hindi kumalat ang virus.


Pinayuhan ng Manila Economic & Cultural Office (MECO) sa Taiwan na magrenew nang passport isang taon bago ito maexpire. Nakakabuting maglagay agad ng appointment para sa renewal ng passport para hindi magkaroon ng problema.

Ang mga umuwi ng Pilipinas na may expiring passport ay maaaring kumuha ng travel document sa MECO para maipakita ito sa immigration na nagsasabing delay ang renewal nito dahil sa pandemic.

Kung maaabutan man ng expiration ang passport bago makuha ang renewed passport, makipagugnayan agad sa iyong broker para magawan ng paraan at hindi mahuli ng pulis dahil sa expired passport.

Kung isang taon na lang ang nalalabi sa validity ng iyong passport magschedule na ng appointment. Matagal ng inilabas ng Department of Foreign Affairs and direktiba na magrenew ng passport isang taon bago ito maexpire.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive