Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Simulan ang 2nd wave ng SAP kahit walang liquidation report — Recto


Sinabihan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpahinay-hinay sa mga kondisyon nito sa mga local government unit (LGU) at i-release na ang second wave ng Social Amelioration Program (SAP).


Tinutukoy ni Recto ang hinihinging liquidation report ng DSWD sa mga LGU patungkol sa unang tranche ng SAP na sya ngayong nagiging dahilan sa pagka-delay ng distribusyon ng ayuda dahil kakaunti pa lamang ang nagsumite ng naturang report.

Ayon sa kanya, hindi dapat dumipende ang pamamahagi ng ayuda sa liquidation report ng mga LGU lalo pa at marami ang wala ng mapagkukunan ng pera ngayong may krisis.

“Citizens running out of cash and hope are expecting this assistance which has been promised them, and to allow red tape to abort its prompt delivery is unkind and unjust. Why should the people be penalized for a delay not of their own doing?” sabi ni Recto.

Ang liquidation report ang ibinigay na "requirement" ng DSWD sa mga LGU bago nito ibigay ang pondo para sa second wave ng SAP dahil sa mga reklamo ng anomalya sa distribusyon ng ayuda na natatanggap nito sa iba't-ibang panig ng bansa.

Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Recto na kailangan pa ring sumunod ng mga LGU sa kondisyon ng ahensya nang mas maaga kung maaari.
Share:

20 comments:

  1. Dsws walang selbi yan rinig na nga nila na nagtatanong kami sa chairman bakit hind i kami kasali na halos lahat ay nagpapapil up ng SAP FORM tapos rinig naman nila na nagrereklamo kami bakit kami hindi kasali at sabi ng chairman kulang daw ang budget..nasaN babtalAga ang budget galing ba sa DSWD or galing sa pinakamataas..ang taas kasi siguro ang standard nila dahil sabi naman namin na may senior citizen kaming kasama at kami naman ay mga solo parents..pero wala silang imik..sino ba ang tama..sila bah or si Pre.Duterte na patanggapin ang lahat ng apektado sa lockdown..batas ba nila ang masusunod or kay Pre.Duterte

    ReplyDelete
  2. Dpat nman tlga cmulan n 2nd WAVE at mrmi Ang mga nagugutom Lalo n ung ung mga ndi nktanggap ng 1st WAVE pro qualified nman.Anong ngyari s DSWD at pinagtatagal Ang 2nd WAVE?Mas mhlga b ang LIQUIDATION REPORT kesa s mga Taong kylngan ng Tulong nyo?

    ReplyDelete
  3. Sobrang bagal ng second wave sa mga mhihirap.buti pa ang sss nkpagbigay na ng second wave..dswd nasan nkau

    ReplyDelete
  4. Tsaka ano tong nbblitaan q bawas na daw ang 6500 1500 nlng daw d pwd yun ..

    ReplyDelete
  5. Sana maibigay na ang second wave

    ReplyDelete
  6. ang bikol region po ba may secind wave pa

    ReplyDelete
  7. Ginawa ng GCQ..para d mabigay 2nd wave..nagtiis mga tao inasahan pngakong 2nd wave..ng magamit s pasimuls..oo nga GCQ mkkakilos ..pnu kikilos kung wala nmn ggmitin lakas..

    ReplyDelete
  8. Umaasa kmi n maibibigay ang 2nd wave..ngaun gcq n kmi hindi nb kmi bibigyan e wala pa rin nman kmi byahe

    ReplyDelete
  9. Sana namn po ipamigay na Ang 2nd tranche marami na PO kaming na ngangailangan Ng tulong No Work No Pay po kame Ng sister dto SA Makati baka Po mapuno na kame Ng utang kawawadin pi kame salamat po

    ReplyDelete
  10. Dito s NCR dba dpat nung June 5,p kau nagbgay ng dswd(sap)#2nd wave n yn?anong ngyari?d n nga kmi nbigyan ng 1st wave,pti b nman 2nd wave wla p rin?

    ReplyDelete
  11. Bakit Wala PNG Tawag? PWD Po Aq BRGY San Antonio QC

    ReplyDelete
  12. My dswd nmn n mgbi2gay ng form tas ipapagamit ang ibang address pra maqualified pero hahatian ng pera titser k p nmn ang tindi mangurakot

    ReplyDelete
  13. Mam,sir
    Tanung q lng ndi p po aq nktanggap ng 1st wave tapos prting n 2nd wave..
    Para san p ang form n npillupan q f ndi rin nmn aq mbibigyn isa rin po aq s apektado ng covid cmula ng mglockdwn 2 days nlng pasok q s 1week ndi n po sapat pr po mkkain kmi ng maayo..
    Batasan area po aq

    ReplyDelete
  14. Kailan Po Kaya pwede mg register sa reliefagad website...
    Nabigyan Napo ako Ng form kaso hnd nmn Po ako makapg register...

    ReplyDelete
  15. Kylan po ang 2nd wave ng region 4A ?

    ReplyDelete
  16. tama po kc madaming ngugutom...wlang msakyan pra mkapagtrbho ang iba naman nagsarado ang mga pinapasukan.maawan naman kau

    ReplyDelete
  17. Ang tanong bkit hindi makapag liquidate thats the big question mark,,,,,, and one thing sino ba mas may authority bkit hindi ma push ang mga hindi nakapagliquidate or bigyan ng ultimatum na kapag ndi nakapag liquidate charge sa knila ang perang nakuha nila.. Sa bawat companies ganyan without proof of expenses within period of time automatic deduction yan sa responsible employee.

    ReplyDelete
  18. Apat po anak ko solo parent po taga veterans village brgy Holy Spirit qc sana po bigay na ayuda kawawa mga wala ng pinagkakakitaan tulad ko

    ReplyDelete
  19. Buong sta.mesa marami ng nagugutom at naghihintay na rin sa SAP na yan..khit sa 1st tranche wala pa kami natatanggap tinuringan na andito kami sa syudad di makapaghanapbuhay dahilan sa nawalan kami ng trabaho at my anak na pinakakain..Harinawa naman matanggap na namin yan pls! Naman po..malaking tulong na samin ang magmula sa ipamimigay niyo..salamat

    ReplyDelete
  20. ask lng po kse isa ang aking nanay sa mga panibagong napalista na mbgyan ng ayuda..na kung tawagin nila ay mga LEFT OUT..ang problema po nmin sa ngayon ay ung CONTACT NUMBER na inilagay sa pinil apang FORM ni nanay..kse NAWALA po ung CP ng kapatid ko,pino problema po un ni nanay kse thru VILLARICA REMITTANCES po nya mkukuha ung AYUDA nya..eh ang kaso paano ni nanay makukuha sa VILLARICA yun gayung hndi nman na nya malalaman ang ise send na RRFERENCE NUMBER ng VILLARICA..isinangguni npo nmin un sa dswd meycauayan branch(region 3)at ang tanging sinabi lng nila eh at ginawa is kunin ung pangalan at brgy.na nasasakupan nmin at kanila pdw po itong ire report sa main branch ng dswd sa region 3..hinihingi din po sa amin ung CODE ni nanay eh hndi nga po nmin alam kse nga po andun un sa CP NA NAWALA..ano po kaya ang mangyayare dun sa sanay ayuda na para kay nanay..

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive