Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

UP experts, inirerekomendang kanselahin ang klase hanggang Disyembre


Iminumungkahi ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) sa gobyerno na kanselahin ang klase ng mga estudyante hanggang Disyembre upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.


Sa isang televised briefing, sinabi ni UP Resilience Mahar Lagmay na pinakamataas ang lebel ng  interaksyon (56%) sa mga taong nasa 0-19 age bracket base sa isang pag-aaral ng UP COVID-19 Pandemic Response Team.

Sa kabilang banda, 29 percent ang lebel ng interaksyon ng mga edad 20-39 taon, 13 percent sa mga 40-59 taon  at two percent naman sa mga edad 60 taon at pataas.

"Base doon sa mga models, kapag, kapag walang klase hanggang December ay malaki po ang maibabawas natin sa transmission ng COVID-19," sambit ni Lagmay.

Ayon naman kay Presidential spokesperson Harry Roque, malaki ang maitutulong ng suspensyon ng mga klase hanggang sa kolehiyo ngunit wala pang tugon si Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng UP.

Giit naman ng ibang eksperto, kung kakanselahin ang klase hanggang Disyembre, hindi makaka-graduate ang mga medical student na lubos na kailangan ng bansa ngayong may pandemya.
Share:

2 comments:

  1. d un mga gagraduate lng ng s mga medical papasukin ninyo, wag nyo n isama mga ibang bata

    ReplyDelete
  2. Yung graduating medical students gawin nyong practicum nila ang pag work sa govt hospitals ngayon..matututo n sila, di p masasaysng oras nila makakatulong p sila sa bansa! Walang talo!

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive