Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

10,000 aplikante sa Balik Probinsya program inaasahan sa pagbubukas ng manual registration


Sa pagbubukas  ng manual registration para sa  “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2)”  sa mga baranggay, inaasahang aabot sa 10,000 aplikante ng programa ang dadagsa sa mga darating na linggo, sabi ng isang opisyal, Huwebes (Hunyo 4).


Ayon kay National Housing Authority general manager Marcelino Escalada Jr., na executive director din ng BP2, ang mga darating na manual applications ay dadagdag sa 79,000 bilang ng mga aplikante online.

Dagdag ni Escalada, mayroon ng mga registration form sa mga barangay hall kung kaya maaari ng simulan ng mga opisyal  ng baranggay sa capital region ang manual application ng mga hindi makapag-apply online.

“There are two ways for the applicant to enroll in the program. In observance of the physical distancing, it is advisable if everyone will apply online but they can also enroll manually,” sambit ni Escalada sa isang Laging Handa briefing.

Noong Mayo 20, nasa 100 benepisyaryo na agad ang naiuwi sa Leyte sa tulong ng BP2 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 6 upang bawasan ang populasyon sa mga matataong siyudad at magbigay ng bagong oportunidad sa mga probinsya ng bansa.
Share:

6 comments:

  1. Sana mka uwi ako tulongan mo ko ser senator bonggo.. Salamat

    ReplyDelete
  2. Sana po makauwi aku gustong gusto kna po

    ReplyDelete
  3. Senator sir tulungan nyo nman po kaming makabalik ng occ.mindoro.kasama ko po mga pmangkin kong menor de edad nA ulila sa ama.matulungan nyo po kaming mabigyan ng konting puhunan para po sa mga bata.09983555722

    ReplyDelete
  4. Senator bonggo sna po matolongan nyo po kmi mkauwe po ng leyte ng namay kpo at mga kpatid kpo gsto npo nmin umowe 09516908245

    ReplyDelete
  5. Sir sana po kami rin matulongan nyo po pauwi ng probinsya dalawa po kami. Eto po kontak number namin 09551474319. 4months na po kami dito sa manila inabandona ng agent namin

    ReplyDelete
  6. Sir bong Go, aquw at mga anak q gusto q na umuwi dhil hirap na hirap na kme wla pa wrk asawa q wla na aquw pang gatas wla kme income!!

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive