Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

11 DSWD personnel, nagpositibo sa COVID-19


Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Sabado (Hunyo 20), na 11 sa kanilang mga tauhan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).


"Ikinalulungkot po namin na 11 na sa kawani ng DSWD ang natukoy na positibo sa COVID-19," sabi ni DSWD Undersecretary Rene Paje sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Paje, ini-refer na ng DSWD ang mga infected employee sa mga hospital at medical service sa kani-kanilang lugar. Dagdag pa niya, naglabas na ng mga Personal Protective Equipment (PPE) ang ahensya para sa mga frontliner nitong expose sa virus.

Paglilinaw niya, bagama't mayroon na sa mga empleyado ng DSWD ang dinapuan ng sakit, patuloy pa rin ang paggawa ng ahensya sa kanyang mga tungkulin lalo na sa pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

"Ngunit patuloy pa rin po ang ating mga empleyado, ang ating mga frontliner sa pagganap sa kanilang tungkulin," sabi niya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive